The Guy That Got Away - Chapter 6

21 0 0
                                        

Andito na ulit ako sa office. At meron na lamang akong limang araw para magpa cute kay Eugene. Kaya naghanap ako ng lugar kung saan nya ako masosolo. Masosolo agad? Hahaha! Kaya nagpunta ako sa isa pang pantry ng office namin; yung malapit sa trainer's quarters. Ayoko kasi dun sa isang pantry eh. Marami kasing tao lagi don unlike dito, konti lang. Tumambay muna ako dun saglit at nagbaka sakaling dumaan sya dun. Habang nagbabasa basa ng notes ko, dumating na ang pinaka hihintay ko.

"Hi.."

Syempre, alam na nating lahat kung sino iyon. At as usual, siya parin ang pinaka gwapong lalaki na nakilala ko.

"Hi, Eugene." At super ngiti ako habang binabati sya.

"You look very happy, huh. And you're still alone. It's been a week already." Sabi nya habang bumibili ng food sa vendo machine (Tama ba spelling? Haha!).

"It's because I'm early. That's why I'm still alone. And why do you always think that I still don't have friends here? Do I look like a loner or something?" Tama nga naman. Ang aga ko kaya malamang, mag-isa pa ako.

"No. But I think you look very intimidating." Sabi pa nya at nagulat ako dahil naki-join sya sa table ko.

"Oh, really? Why? I'm not even beautiful and I'm not mean. But I'm not friendly, though." Hindi nga lang ako friendly, siguro kaya ako nakaka-intimidate.

"No, it's not like that. It's because you look.. Beautiful." Straight forward na tugon ni Eugene.

Nagulat naman ako don, in fairness! Grabeeeee! Nagagandahan pala sya sakin. Ayyiiieeeee. Kilig much!

"Oh really? Thank you. But I don't think I am, because I'm fat."

"No you're not. I mean, you're beautiful because of your curves." Tugon nya.

Medyo nagtataka na ako sa mga pinagsasasabi nya. Bakit sya ganon? Ba't ang nice nya sakin?

"Why are you like that? I mean, why are you so nice? Why are you saying those things?"

"Just to cheer you up. And don't you want us to be friends?" Gusto pala akong maging friends ng mokong na 'to. Pero bakit ako?

"Huh? Why me? And you're my trainer. We can't be friends, I think."

"I still can't figure out why. Maybe because you're different. And of course, we can be friends. But maybe not while we're inside the premises of this company."

"Oh. Okay. I thought you want me to be your friend, because I'm always alone. Haha!"

"I was about to say that too. Haha! I'm just kidding."

"Whatever! Um. I think I should go now. It's almost time and they might see us here, so I'd better go." Hindi naman sa ayaw ko pa syang kausap. Baka lang kasi may makakita sa amin dito at gawan pa kami ng issue.

"Okay. I'll see you later!" Sabi nya sabay kindat pa sa akin.

Bumelat nalang ako sa kanya, pagkatapos ay umalis na ako papunta sa training room namin. Maya maya pa'y pumunta na rin si Eugene doon, at nagsimula na sa pag-ttrain sa amin. Nakakatuwang isipin na friend ko na 'tong kumag na 'to. Ewan ko kung friends na ba talaga kami or kung nang ttrip lang sya. Pero magka ganun man, mapalad parin ako dahil ako ang pinag-tripan nya, if ever nangttrip sya. Hahaha!

Dumating na ang break time at nagpasya ang mga friends ko na bumaba kami para kumain. As usual, 30 years pa bago bumukas ang elevator kaya nag hagdan nalang kami. Sa aming pagbaba, may narinig kaming boses. I'm sure alam mo na kung sino iyon. Haha!

The Guy That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon