The Guy That Got Away - Chapter 2

34 0 0
                                    

Okay so hindi ko na idedetalye ang bawat kembot namin sa training room. We'll just go on to kilig moments na naranasan ko during that two week training. Nung araw ding yon, may nangyaring nakakaaliw sa akin. Break time kasi namin non. At dahil wala pa akong friendly friends nung mga oras na yon, mas pinili ko munang maging emo.

Sa aking pag-eemo sa pantry, isang pamilyar na boses ang aking narinig.

"Why are you alone?" boses na nag-aalala. Boses na ang sarap pakasalan. Haha!

Nagulat ako dahil pagtingin ko, si Eugene pala iyon. Walang expression sa kanyang mukha. Pero parang concerned sya sa pag-iisa ko. 

"Uhh.. They all went down, and I don't feel like going down today that's why I'm left here. But don't you worry, I'm fine."

"Okay. But you should make friends here okay? Don't be too comfortable being alone, it won't bring you any good." 

"It's just now that I'm alone. But I'm doing just fine and I already have friends here." Sabay ngiting nagpapa-cute sa kanya. And as usual, nagsinungaling nanaman ako na kunwari, may friends na ako dito.

"Okay. I'm just making sure you're alright. I'll go ahead." Pagkatapos nun ay umalis na sya. 

Ohh my gast! Kung sinuswerte ka nga naman oh. Minsan pala, may naidudulot ding maganda ang pag-iisa. After break ay nagpatuloy na sa pagtuturo si Eugene. Ang pinagtataka ko lang, eh madalas syang tumitingin sakin habang nagle-lecture sya. Bakit kaya? Or baka nag-aassume lang ako na nakatingin sya sakin or baka ganun naman talaga sya sa lahat ng wave mates ko. Haha! Pero hindi eh, nakatingin talaga sya palagi sakin at eto pa ang masaklap, lagi pa nya akong tinatawag pag nagtatanong sya. Favorite trainee teh, favorite?! Mabuti nalang at attentive ako't nakikinig sa kanya kaya lagi kong nasasagot mga tanong nya.

Dumating na ang uwian at isa isa nang nagsiuwian ang mga wave mates ko.

"Are you coming with us, Jen?' Sabi nung isa kong wave mate.

"No. You'll go ahead. I still have to go to the rest room, 'coz I feel like pooping, awww!" Sabi ko naman dahil parang naje-jebs na talaga ako at ayoko namang abutan sa daan no!

"Awwww! Haha! You're so funny! Okay, so we'll just see you tomorrow. Bye!" At umalis na ang mga bruha.

"Bye! You take care okay?" Sabi ko sabay takbo sa CR para mag-cr.

Nako, sa laking dismaya ko naman, puro hangin lang pala ang lumabas at hindi yung alam mo na. Haha! Nauutot lang pala ako. Pero syempre pinabanguhan ko parin yung cubicle, baka isipin ng mga tao jumebs talaga ako. At buong tapang na akong lumabas sa CR at umalis sa office as well.

Gusto ko rin sanang mag elevator, kaso mukhang 25 years pa bago magbukas ang elevator na 'to, kaya nag hagdan nalang ako. 4th floor lang naman yung office namin eh. Kaya keri lang mag hagdan. Habang pababa, may boses nanaman akong narinig.

"Why are you alone again, Jen?"

Paglingon ko, laking gulat ko dahil si Eugene nanaman pala ulit iyon! At sa sobrang gulat ko, muntik na akong mahulog sa hagdan.

"Ayyyyyyyy!"

"Ooops! Are you okay? Hindi ka kasii tumitingin sa dinadaanan eh."

"Nagulat kasi ako sayo, Eugene!" Grabe, lakas ng tibok ng puso ko. Lagi nalang kasi akong ginugulat nito eh.

"I'm sorry. Kasi nakita nanaman kita. Tapos, mag-isa ka nanaman ulit. Don't you like to make friends here?" Tamang ashumerong tanong ni Eugene.

"Huh? Of course I'd love to make friends here. Pag ba mag-isa ka, wala ka ng friend agad? Hindi ba pwedeng tumae ka lang sa CR saglit, kaya hindi ka na sumabay sa mga kaibigan mo pauwi?" Matawa-tawa pa ako habang sinasabi ko 'to. At in fairness, napaka bagal naming maglakad habang bumababa kami ha. In fairness lang naman! Haha! At nakow, natawa tawa rin siya sa sinabi ko.

"Tumae ka sa CR kanina?! Hahahahaha!" Pinag malakasan pa talaga nya yung word na TAE. Hahaha! "Kaya pala may nagreklamo dun na mabaho raw yung ladies CR eh. Haha! Napatawa mo ako dun ah."At hindi sya maka move on sa kakatawa nya.

In fairness, tumatawa pala sya. I mean, kanina kasi, pansin ko na hindi sya pala ngiti eh.

"Grabe, may nagreklamo agad? Hindi kaya ako napa-jebs. Hangin lang pala yon. Super perfume pa nga ako don para hindi maamoy eh. Tas may nag reklamo agad? Grabe!!"

Hay naku. Unti unti nang napapalapit loob ko sa mokong na 'to. Imagine, first day palang ng training namin with him, tas super chikahan na agad kami. Mabubuhay nanaman ba ang paniniwala ko sa fairy tales at happy endings? Hhhmmm. Let's just see.

"Hahaha! No, I'm just kidding. Anyway, san ka umuuwi?

"Sa bahay namin. Hehe!"

"Corny much! Haha! No, i'm just kidding. Di nga, San ka nga umuuwi?"

"Sa Laguna. Wait, before you say 'Anlayo!' Let me just inform you that going to Laguna is just an hour away."  Hindi naman sa pagtatanggol sa sarili kong bayan. Pero ganun agad reaksyon ng mga nakikilala ko pag sinabi kong sa Laguna ako nauwi eh. Sasabihin agad 'Ang layo naman!' Pero magkasing layo lang naman sila ng Fairview. Hay buhay!

"Ohhh. Okay. I'm not aware of that. Pero did you ever think about renting a place here in Makati? Para hindi hassle in case maging CSR ka." Nag suggest pa ang lolo mo.

"I'll definitely rent pag nasa production na ako. Sa ngayon, tiis tiis nalang muna." Sabay bumulong ako, "Pero pwede mo akong patirahin sa place mo if you want. Ahihi!" Ang landi ko talaga!

"What? Hindi ko narinig yung huling sinabi mo eh." Patay malisyang reply ni Eugene. Hindi pa raw narinig ah. Haha!

"Ahh. Ehh. Wala. Sabi ko, dito na ako sasakay. I'll see you tomorrow!" Chos! Haha!

"Ahh. Okay.You take care, okay? And don't be late tomorrow!"

Sabi ni Eugene sabay ngiti. Grabe! Sya na ata ang una kong friend dito. Oh baka naman feeling close lang ako sa kanya? Whatcha think??

"Okay. You too!" Sabay sakay na ng bus. Graaaaaaaaabeeeee! As in, napakapalad ko naman. Akalain mong ako pa ang unang cchikahin ni Eugene. Hhhhmm... Anyway, pagdating ko sa bahay wala akong ginawa kungdi mag tweet ng nakakalokang nangyari sakin. At inaliw ko ang sarili ko sa pag iisip sa kanya... Hanggang sa makatulog ako. Zzzzzzzzzz..

The Guy That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon