The Guy That Got Away - Chapter 11

19 0 0
                                        

"Good morning Bebi.." Nagtaka ako kung san nanggaling yung boses na iyon. Actually, napakalambing ng boses na iyon. Ang sarap pakasalan! Hahaha! At dahil gustung gusto ko nang malaman kung sino ang nasa likod ng boses na iyon, minulat ko na ang aking mata.

Si Eman pala. 6 na ng gabi non pero good morning diba? Haha! Ngumiti lang ako, dahil masyado akong natuwa sa mga pangyayari.

"Do you want to eat na? You must be hungry." Pagdaagdag pa niya habang hinahaplos ang aking mukha at hinahalikan ang aking noo. Napaka-sweet naman nitong taong 'to. Kakainlove!!

"Um. No. Teka, sorry ha. Naninibago kasi ako eh. So talagang boyfriend na kita?" Sabi ko. Naninibago kasi talaga ako eh. Four years na kasi akong walang boyfriend.

"Oo naman. Bakit, ayaw mo ba? Si Eugene parin ba?" Malungkot na sinabi ni Eman.

"No, no. Hindi lang ako makapaniwala at naninibago lang ako. It's been four years na kasi diba?"

"Yah, I know and I understand. Wag ka ng manibago, eto naman. Parang hindi ka expert sa pagbbf ah. Hahaha!"

"Expert ka dyan. Baka ikaw ang expert sa chicks! Subukan mo lang mambabae, ay nako kakalbuhin ko kayong dalawa ng kerida mo!!"

"Asus. Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na graduate na ako pagdating dyan? Lalo pa ngayon na nandiyan ka na." Sabay halik naman sa lips ko.

"Okay fine. Whatever. Makabangon na nga at bigla akong nagutom sayo."

Actually, masaya naman ako sa piling ni Eman. Kakaiba siyang bf. Ang weird lang pero yun naman talaga ang gusto ko sa isang boyfriend eh. Nakakatuwa rin kasi pinakilala ko na agad siya sa parents ko nung umuwi ako ng Laguna, at natuwa naman sila kay Eman. Well, konti nalang at malapit ko nang ma-convince ang sarili ko na siya natalaga ang guy for me. Na wala ng Eugene na manggugulo pa sa isip ko, sa puso ko.

November. 1 buwan na kami ni Eman at sa isang buwang iyon, napatunayan ko na sa sarili ko na siya na talaga ang lalaki para sa akin. Legal na nga rin kami sa office eh, at happy sila for us. Isang araw, bago mag start ang shift ko'y nag-decide akong pumunta ng pantry para kumain at para hintayin na rin si Eman. Nauna kasi akong umalis dahil tinamad pang bumangon si kumag.

As I head towards the pantrty, napatingin ako bigla sa training room malapit doon, at nagulantang ako sa aking nakita.

"Eugene?!?!" Hindi ako pwedeng magkamali, si Eugene nga ang nakita ko. Kinurot ko pa nga ang sarili ko eh, baka sakaling nananaginip lang ako. Pero hindi, for real 'to promise. At para mapatunayan ko ngang si Eugene yung nasa room, lumapit pa ako ng todo, makasigurado lang ako. At oo, si Eugene nga iyon.

Wow, anong ginagawa niya dito? Gustung gusto kong manggulo sa kanila dahil nakita ko na ulit si Eugene after 5 months. Ilang sandal pa’y may lumabas sa training room na iyon at hindi ko napinalagpas ang pagkakataon para makapagtanong.

“Hi. Excuse me, may I just ask. What is that training for, and are you a trainer as well?”

“Oh, we are the new trainers for this branch.” Sagot naman ng babae.

"Oh. Really? As in all of you?"

"Yes. Why? You're a trainer as well?"

"No. But we're from the same account, so welcome!" Nasabi ko nalang nang may todong ngiti sa aking mga labi.

"Thanks."

"Last question, is that Eugene? They one who is wearing maroon?"

"Yah. Why? Do you have a crush on him no?"

"No. He was my trainer kasi way back in CCT eh. Glad that he's here." Lalong lumaki ang ngiti sa aking labi. Wow, si Eugene nga iyon! Grabe, makikita ko na siya nang madalas dito. Yeheeeeeey! Ay! Teka naman ineng, may bf na ako diba? Haaaaaay. 

"Ah. Okay, I'll go ahead. Nice meeting you!"

"Same here.Thanks!" At sabay nagtatatakbo na ako sa pantry an kilig na kilig sa mga pangyayari. Grabe, sa iisang building na kami magwo-work ni Eugene. At parehas pa kami ng account ngayon. Yahoooooo!!! Nagulat ako dahil nakita pala ni Eman yung katuwaan ko.

"Bebi? What's with the face???" Nagtatakang tanong niya. 

At syempre, gulat much naman ako diba? "Ay!! Hi Bebi! Um, nothing! Don't mind me. Baliwag lang talaga ako today." Hindi niya alam na si Eugene ang dahilan ng kinatutuwa ko. "Tara let's go. I've been waiting for you, kanina pa Bebi."

"Okay, let's go Bebi."  At sabay na kaming nagpunta sa office. Habang nagwo-work ay sobrang nakangiti lang ako na parang nababaliw lang. Pati mga customers namin sa phone, napapansin na parang ang saya saya ko raw. Grabe, eto na ang pagkakataon girl. Ang pagkakataong pinakahihintay ko. Kaso, paano ko naman maisasakatuparan ang mga plano ko kung may Eman na sa buhay ko? What the?!?!

The Guy That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon