The Guy That Got Away - Chapter 12

18 0 0
                                        

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Psst. Haha! Ako ito, ang inyong lovely author. First time ko lang talagang maglalagay ng churva dito, dahil ayoko namang isipin niyo na parang robot lang ako. Hehe! Anyway, sa mga nakabasa at naka-appreciate naman ng munti kong istorya, salamat. Kahit isa lang fan ko, masaya na akong malaman na may fan pa pala ako. At dibale, pipilitin ko talaga na ayusin 'tong story ko. BTW, maglalagay na rin ako ng pictures dito and other character's POV, para hindi puro si Jen lang ang nagkkwento at para ma-imagine niyo yung mga characters sa story. Salamat ulit and XOXO! ))

PS. Si Eugene ang nasa photo ko for this chapter. :))

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

** EUGENE **

Ayoko mang iwan ang previous training job ko, pero dahil mas malaki ang kikitain ko dito, eh pumayag na akong magpa-reassign sa account na 'to. Tutal, training job parin naman ito eh. Isa pang problema ay baka makita ko ang babaeng ayoko pa talagang makita; si Jenica Averilla. Ayoko pa siyang makita, hindi dahil sa kinamumuhian ko siya or something. Ayoko pa siyang makita dahil I am madly in love with her. Ako na yata ang pinaka-weird na tao sa mundo dahil ako lang ata ang may ayaw makita sa taong minamahal ko. Gusto ko muna kasing itama ang lahat ng mali bago ako magpakita sa kanya ulit. Actually, nagawa ko na ang unang hakbang at iyon ay ang makipaghiwalay kay Krisha. It happened 3 months ago...

"Krish, there is something I want to tell you."

"What is is hon?"

"Didiretsuhin na kita, I have fallen out of love with you. Let's end this na."

Hindi siya kaagad nag-respond sa sinabi ko. Instead, tinignan niya lang ako, pero hindi kalungkutan at galit ang nakikita ko sa mga mata niya."

"Kailan pa 'to?" Tanong niya.

"Two months ko nang pinagiisipan ito. Two months ko nang pinipilit sa sarili ko na mahal parin kita. Pero, mukhang nahalata mo na for the past two months, naging cold ang treatment ko sayo. Diba?"

"Yah. Naramdaman ko iyon. Wait, is there another girl now?"

"Yes, there is. Pero hindi ako nagkaroon ng affair with her, I swear. It's just that I am still secretly in love with her. Pero pinaglabanan ko iyon, kaya lumayo ako sa kanya't iniwasan ko siya. Pero kabaligtaran pala ang nangyari at eto ako ngayon, hanggang ngayon ay mahal ko parin siya."

Imbis na umiyak si Krish, ngiti ang namutawi sa kanyang labi at niyakap niya ako.

"I am sorry Eugene!! I should have told you this." Napalitan ng guilt ang mga ngiti niya.

"Huh? Why? I don't understand."

"There's this guy, whom I love most. Wala parin naman kaming affair, pero he already confessed his feelings for me, pero I told him that I have a boyfriend and I can't leave you dahil akala ko mahal na mahal mo pa ako."

I felt such relief. Bibihira lang ang ganitong cases, kasi. May mahal na rin pala siyang iba.

''Where's that guy now?"

"He's still there, waiting for me. I was about to tell you about this, pero naunahan mo naman ako. I'm sorry."

"No, it's okay. At least I know that the feeling is mutual and we no longer have feelings for each other. Mas madali ang closure natin."

"But can we stay friend, Eugene?"

"Of course, dun naman tayo nagsimula diba?"

"Thank you!"  At niyakap niya ulit ako. "And I'm sorry. Why don't you go ahead and find that girl again. Hindi pa naman siguro huli ang lahat."

"Saka na. Pag financially stable na ako. Kung siya naman talaga, gagawa at gagawa ng way ang Lord para magkatagpo ulit kami eh."

"Oo nga naman."

Anyway, ayun nga ang nangyari. Luckily, hindi na rin pala ako mahal ni Krisha kaya naging madali sa amin ang paghihiwalay. Balita ko nga ngayon na masayang masaya siya sa kanyang boyfriend eh, and mapapakasal na sila anytime next year. At masayang masaya ako para sa kanya. Well ako, eto kailangan ko na ring gumawa ng happiness ko kaya tinanggap ko ang offer na maging trainer sa ibang aaocunt. Pero bago ko siya hanapin sa account na iyon, kailangan ay may sapat na ipon na ako, dahil pakakasalan ko na siya agad. Pero kung makita ko man siya nang wala pa sa tamang panahon, bahala na. I just hope that she still feel the same way for me.

"Eugene, you know someone is looking for you earlier when I went to the restroom." Sabi saking ng co-trainer ko na si Janet. Alam ko na agad kung sino ang tinutukoy niya. Pero di pa rin ako sure, kasi baka mamaya mga former trainees ko lang pala iyon.

"Who?"

"I forgot to ask her name eh."

"Ah, baka one of my former trainees lang."

Ang engot naman ni janet. Hindi man lang naitanong kung sino iyon. Hhhhhhmmmmm. Natapos na rin ang orientation namin, sa wakas. At dahil ayoko pang umuwi dahil off ko naman tomorrow, dun muna ako magsstay sa lounge area ng office at matutulog. Will wait for a miracle to come.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Guy That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon