The Guy That Got Away - Chapter 10

20 0 0
                                        

October. Isang buwan nalang at malalaman ko na kung regular na ako dito or hindi pa. Sinabi ko rin sa sarili ko na as soon as ma-regular ako ay magrerent na ako ng apartment para hindi na hassle ang pagbyahe ko mula Laguna hanggang Makati.

"Bebi, may alam ka bang murang apartment for rent dito sa Makati?" Tanong ko kay Eman habang sinasamahan ko siya magyosi during our break time. Eversince naging super close friends kami, Bebi na ang naitawag ko sa kanya dahil wala lang. Trip ko lang. At tutal naman ay inaasar na kami sa office, eh di nilulubos-lubos na namin.

"Meron. Sa apartment ko. Dun ka nalang kasi. Tutal naman lagi ka naman nandun eh."

Sabi ni Eman. Oo nga naman. Malapit lang kasi yung apartment niya sa office. Mga 15 minutes lang ang layo. And yes, lagi akong tumatambay don at meron na rin akong sariling susi, just in case na gusto kong tumambay kahit wala pa siya.

"Ayoko nga dun. Isa lang yung room mo no. San mo ko patutulugin don?"

"Sa tabi ko. Tabi tayong matutulog." Sabi ni Eman, sabay kindat. Eew. Hindi naman sa nagmamalinis ako or something, pero siyempre inappropriate parin na matulog katabi ng isang lalaki, lalo na kung hindi mo pa naman siya asawa or boyfriend.

"Eew ka Bebi. Hindi tayo mag-jowa para magtabi matulog no?"

"Try mo lang naman. Kahit isang araw lang. 'Pag okay sayo matulog doon, eh di dun ka na mag-stay. Kahit hindi ka na mag-share sa bayad sa renta, okay lang. At mas safe ka pa kung dun ka apartment ko titira. Promise, hindi kita tatabihan matulog at hindi kita rrapein. Ano namang tingin mo sakin, manyakis? Hahaha!"Sabi ni Eman.

Security wise, oo alam kong safe sa apartment niya. Pero ang iniisip ko kasi, baka kung anong gawin sakin ng mokong na 'to pag nagsama kami. Iyon ang kinakatakot ko. Buti ba kung si Eugene ang makakasama ko diba? Haha! Anyway, wala namang masama kung hindi ko susubukan diba?

"Sige na nga. Try ko mag-stay don for three days ha? Okay lang ba?"

"Kahit gawin mo na ngang one month eh. Mas okay sakin yon."

"Tse. one month ka dyan. Ikaw talaga, may hidden agenda ka sakin no."

"Hidden agenda ka dyan. Eh di sana matagal ko nang ginawa sayo yun no."

'"Hmp. Ewan, basta three days lang muna. Pag na-enjoy ko naman sa place mo, eh di go go go na."

"Okay, sabi mo eh."

Two days after ay dinala ko na ang mga gamit ko sa apartment ni Eman. And after shift ay sabay na kaming nagpunta doon. Rest day din pala namin kinabukasan, kaya nag-decide kaming mag-inuman sa balcony ng apartment niya. Ang ganda ng panahon. Mahangin, pero hindi maaraw nor maulan. Perfect na perfect para mag-chill at magchikahan. Habang nag-iinom, tumayo ako saglit para namnamin ang view. Tumayo rin si Eman para hindi naman siya emo sa kinauupuan niya.

"Namimiss ko na si Eugene. Alam mo ba na itong suot ko ngayon, eh yung suot ko nung huli kaming magusap ni Eugene. Tapos niyakap pa niya ako nun, habang nakatalikod ako. Nakakawindang. hanggang ngayon, ramdam ko parin yung kiss niya sa shoulders at batok ko."

"Kalimutan mo na kaya siya. 4 months na oh. And to think na 10 days lang kayo nagsama sa training. Bilis mo pala mainlove. Bakit kaya sakin, hindi ka mainlove inlove?"  Pagtatapat ni Eman, na kungwari eh hindi ko narinig. Echusera ko, no?

"Ha?"

Instead na mag-respond siya sa sinabi ko ay yumakap din siya habang nakatalikod ako at naramdaman ko yung lips niya sa balikat ko. Medyo nakiliti ako, dahil sa bigote niya. Awww. Kinilabutan din pala ako.

"Bingi mo bebi. Sabi ko, ako nalang. Mainlove ka nalang sakin. Wala ka ba talagang nararamdaman for me?" Sabay halik ulit sa balikat ko na lalong nagpa-kilabot sa akin.

Well honestly, gusto ko naman si Eman. As in kung pwedeng siya nalang eh. Kaso... Hhhmmm.. Confused much ako! Humarap ako sa kanya, dahil hindi ko na kinakaya ang kiliting nararamdaman ko.

"Hindi naman sa wala. Pero kilala kita. Dami mo nang nakwento na babae sa buhay mo. Two timer ka pa. Pano pa ako magtitiwala? Chaka ayoko namang masira friendship natin dahil lang sa ganito. Let's just stay as friends."

"But I really like you. Hindi mo ba talaga ako mabibigyan ng chance?"

"Hhhmm.. Chance? Mabait ka naman, kalog. Lakas trip, masarap kausap at kasama. Gwapo, mabango,matangkad,moreno at sweet. Nagyoyosi ka nga lang at babaero. Pero, sabi mo naman na hindi ka naganun. Pero mali eh. Hindi talaga..." Hindi na niya pinatapos pa ang sinabi ko dahil hinalikan na niya ako sa lips non. Gusto ko mang pigilan siya, eh nagustuhan ko naman ng bonggang bongga ang halik niya. At in fairness, matagal na matagal yung halik na iyon ha. As in nakarating kami sa kwarto nang hinahalikan niya lang ako. Perfect! At dahil na rin sa pareho kaming nakainom ay parang halos mawala na kami sa sarili namin. Di ko nga sukat akalain na habang papunta kami sa kwarto ay nahubad na namin ang damit ng isa't isa, at underwear nalang ang natira samin. Akmang huhubarin na niya ang undies ko nang bigla akong matauhan, kaya naitulak ko nalang siya bigla.

"Ouch! Bakit?"

"Gaga ka ba? Akala ko ba hindi mo ako rrapein?" Matawa tawang sagot ko. Wow, di ko maikakaila pero nagustuhan ko nang bongga ang eksenang iyon. Kaya hindi ko magawang magalit sa kanya. Bigla ring natauhan si kumag sa ginawa niya at di niya namalayan na halos hubad na kami.

"Awwww. Sorry.'" Dali dali siyang kumuha ng kumot, pinangtakip niya sakin at saka yumakap sa akin. "It was unintentional, but you're so irresistable, that's why."

Hindi ko na alam ang isasagot ko, kaya hinalikan ko nalang ulit siya. Nabitin lang teh, nabitin?! Hahaha! "Oo na."

"Huh? Anong oo na? Tayo na?" Nalilitong tanong ni Eman.

"Oo." Matipid pero sigurado kong sagot. Mukha naman kasing wala na talagang Eugene na magpaparamdam pa sa buhay ko, kaya maybe si Eman talaga yung guy for me. Why don't I give it a try/ After all, gusto ko rin naman siya eh.

Sa sobrang tuwa ni Eman ay niyakap nalang niya ako nang mahigpit. At dahil masyadong nakakapagod ang araw na iyon, ay nakatulog nalang kami nang mahimbing.

The Guy That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon