Kinabukasan, todo prepare at ayos ako para syempre mapansin ako ni Eugene. Aba, kahit chubby ako, may karapatan naman akong magmaganda once in a while diba? Hehe! Habang naglalakad ako papasok sa office building namin, may narinig nanaman akong boses na parang tinatawag ako. Ata? Ewan! Haha!
'"Nice dress."
Sa pagkakarinig ko, mukhang yung baklang wave mate ko yung tumawag sakin. Hindi ko lang masyadong ma-recognize kasi naka-headset akesh eh. Kaya lumingon ako na ngiting ngiti at baklang bakla lang. "Ohhh. Thank you bakla!!! Oh!.." Nagulat nanaman ako sa nakita ko. Si Eugeeeeennneee!
"Bakla? So bakla na pala ako ngayon?" Na may kasamang titig na parang na offend na kung anuman.
"Ay! I'm so sorry! I thought you're Neil! (the baklang wave mate)"
'"Do we sound the same?" With that 'confused look'.
"Noo. It's just that I'm wearing headset, that's why I didn't recognize your voice. I'm sorry." Eh sa hindi ko talaga sya nabosesan eh.
"Oh. Okay." Sabay ngiti nalang sakin na parang na-offend parin sya dahil tinawag ko syang bakla. hmp! Mga lalaki nga naman oh.
Ayun, nung nasa elevator na kami, hindi ko naman na realize na ang dami pala naming kasabay. Kaya as usual, siksikan kami't I was fortunate enough na makadikit at maka-chancing man lang kay Eugene.
Well, all I can say is.. Oh my GAST! Hindi naman sya as in mabango. Hindi sya tulad ng mga lalaki sa pocket book na ang bango bango raw at parang naligo na sa pabango sa sobrang kabanguhan. Wala syang amoy actually. Swabeng swabe lang. Pero, grabe habang magkadikit mga braso namin, I can really feel his body! Body agad!? agad agad?! Parang ang sarap nyang yakapin. Kasi hindi naman sya sobrang payat eh. Tamang tama lang sa panlasa ko. Hahaha! Hiniling ko pa nga na sana mastuck kaming lahat sa elevator eh. Para magkadikit lang kami maghapon. Ahahahay, ang landeeee! At nung nakarating na kami sa 4th floor ng office namin,
"I'll see you around." Sabi ni Eugene sabay nagmamadaling pumasok sa office. Natatae ka lang teh, natatae?! Haha!
At ayun, as usual nagsimula nanaman ang training namin. Hindi gaya nung kahapon na ang saya lang ng araw, ngayon ay swabe lang. Wala mang nangyaring kakaiba, okay na sakin na tinititigan ko sya maghapon at nakakasagot sa mga recitations nya. Wala ring nangyaring kakaiba nung Wednesday at Thursday. Ni hindi ko sya nakasabay sa Elevator o nakasabay paguwi. Nagpapa-miss ata ang lolo mo. Haha! Nag-announce lang ang lolo mo na magppre-language audit kami sa Friday (isa sa requirement para makapasa kami sa initial training). At one-on-one session yun with him ha! Ayeeeeeeee! Excited much ako, teh! Nararamdaman ko nang may mangyayaring something sa Friday. At kung anuman yon, I am truuly looking forward to that. :)

BINABASA MO ANG
The Guy That Got Away
RomanceItago nalang natin ang mga bida sa pangalang Jen at Eugene. Hindi sila tauhan sa Ghost Fighter at lalong hindi ito tungkol sa lalaking naglahong parang bula dahil nabuntis nya si girl. Hindi iyon ang ibig sabihin ng "The Guy That Got Away" sa story...