Prologue

4.7K 61 1
                                    

Third Person's POV

Madilim na ang gabi at ang mga tala sa langit ay nagniningning. Sa ilalim ng mga kislap nito ay ang isang mundo na puno din ng mga bituin. Ang iba'y nagniningning, at ang iba nama'y nangangapa sa dilim. Ngunit hindi dahil ang mga nagniningning ay nagniningning, ay wala ng panahon na ang mga ito'y nagdilim. Pagkat pagkatapos ng gabi, ang mga tala ay naglalaho sa langit.

Nagsisidatingan ang magagarang sasakyan sa tapat ng isang malaking gusali. Isang malaking pagtitipon ang kasalukuyang nagaganap sa loob niyon. Ang mga panauhin ay nagniningning sa kanilang magagarang damit habang nagsisilabasan sa kanilang mga sasakyan at dinudumog ng mga ilaw na nagmumula sa mga kamera.

Habang ang mga ito'y papasok sa gusali upang makipagdiwang sa mga punong abala, mayroon namang dalawang tao na natagpuan ang mga sarili na pinapanood ang mga bituin.

Sa isang mahalimuyak na hardin, sa labas ng gusali, malayo sa ingay ng musika at mga kwentuhan, tahimik na nagmamasid ang isang batang babae habang nakaupo sa isang bangko na napaliligiran ng mga bulaklak at maberdeng mga tanim.

"Sino ka?"

Nanlaki ang mga mata ng batang babae nang makarinig ng tanong mula sa isang estranghero.

Nilingon niya ito at natagpuan ang isang batang lalake na nakakunot ang noo habang siya'y pinagmamasdan nito.

Nakasuot ang batang lalake ng magarang damit na tila isa ito sa mga panauhin.

"Eh, ikaw? Sino ka?" Tanong din ng batang babae na nagpasimangot sa batang lalake.

Engaged to a Bad Boy  [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon