Chapter 1
"Erin and Her Flower Shop"
"Tahooooo... taho kayo d'yan..." ang tinig ng magtataho sa hapong iyon.
Wala akong magawa, nakaupo lamang ako sa pwesto ng kakilala kong hindi ko na matandaan ang first name niya. Basta ang alam ko ay nasa loob ako ng flowershop na iyon. Aywan ko ba kung bakit ako napasok dito eh ang sabi ko lang naman ay partner, hindi muchacha. Ang dami-dami naman d'yan na dapat kunin, ba't ako pa. <napangiti ako dito ah, sabay turo ko kasi ang sarili ko. Ebak... ewan ko ba kung baket nga ba...>
Napatingin ako sa labas ng pwesto ko dahil sa....
"Lintik kang pusa ka..." narinig kong sigaw ng driver ng jeep papuntang Laoag, ang kapitolyo ng Ilocos Norte kung di n'yo pa alam... o alam n'yo na ngayon. <Napabungisngis ako dito ah...>
"Erin..."
"Po..." uy magalang ako ngayon ah. Bakit nga ba? Siguro kulang lang ng sleep, ang laki na nga ng eyebags ko. Para bagang World War Z ng mga lintek na mga zombies. Teka lang... pa'no napasok ang mga zombie sa kwento ko? Alam n'yo ba??? <tawa ako kasi para bagang tanga sa inasal ko dito. OMG! Ako ba 'yon???>
Lumabas ang kakilala kong may-ari at kasosyo ko sa tindahan ng mga flowers.
"Ikaw muna magbabantay ha. May importante lang akong lalakarin," ang busy'ng busy na si Donya Banut, naka-leggings ito at may tali ang mahaba nitong buhok, at may pulbos sa mukha na animo'y The Mummy. <He! He! He!>
"Opo, Mamita," iyon ang sagot ko dito sa kasosyo kong sosyalera. Punung-puno ng alahas ang mga kamay nito, sa tainga nito, at sa leeg. Ba't wala sa ilong? Ano ka ba naman, Erin, di mo ba alam,... ang alin? Hay, naku, nakalimutan ko na naman. Baliw na 'ata ako, day! Hey, hey, pebertdey!!! Hoy, pakopya ha, Eugene Domingo. Hahahaha!!!!!
Hinarap ko na ang mga gawain ko sa loob ng tindahan ng mga bulaklak. Inayos ang mga dapat ayusin... teka, ba't ako nag-aayos ako dito?!!! Hmmmm.... May naamoy ako.... At saka ko inamoy-amoy ang kung anong klaseng amoy iyon at... blag!!!!
"Araykupo!!! Susmiyo ginoo!," ang malakas kong sigaw sa kung anong klaseng wall sa aking harapan. Itinaas ko ang aking ulo kung sino ang bwisit na taong ito... and....
Dyaran!!!
Para bang "Open Sesame!" sa Aladdin ang bumulaga sa akin. And it was err... teka, ano nga ba ang pangalan nitong asungot na ito?
He looked at me with such desire! Spell "ASA" and... oops... it's me pala. <tumawa ako ng pagkalakas-lakas...> E-R-I-N... my name. Bwahahahahaha.
Nakatingin ito sa akin ng may panghuhusga sa kanyang mga mata, nang-uuyam ba, nakakabwisit sa umagang iyon ang lalaking tipaklong... at ako naman na mukhang ants... eh, tinapatan ko ang kanyang pang-uusig. Kumibot-kibot ang aking mga labi, kagaya ng mga sea animals like pusit, pugita, or anything na nasa dagat.
"Look at yourself, toasted pusit!"
I heard such ridicule about me. Ako? Toasted pusit!!!???
Humanda ang lalakeng ito. Pinamaywangan koito sa harapan ng posteng ito. "Hoy, lalakeng tipaklong, hahara-hara ka sa aking harapan eh. At h'wag na h'wag mo akong tatawaging toasted pusit... anong akala mo sa sarili mo, diyos?!! And for your info, maganda ako! And don't ever ever deny it in my front teeth! Che!"
He eyed me for a couple of seconds, opened his mouth to speak, "You?!!!" he said it with distaste. Pagkatapos ay tumawa ito ng malakas.
Siyanga pala, ito si Eros, ang lalakeng tipaklong na nakakabwisit. Hindi ko siya friend since the early pregnancy. Kumbaga, opposite poles apart kami. Sana, nasa South Pole siya para lamigin siya at tumigas para wala na ang isang taong nambubulahaw sa umagang ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/7855412-288-k686575.jpg)