Chapter 7
"The Truth and Consequence Game"
August 2013
4:30 P.M.
"Erin... erin..." ang narinig kong boses habang naglalakad ako papunta na sa jeepney para umuwi.
Nagpalinga-linga ako sa aking paligid pero puro mga estudyanteng kagaya ko ang aking nakita.
"Where's that pokemon monster?," sinarili kong question. Nagpatuloy pa rin ako sa aking target, ang jeepney pauwi sa amin.
By the way, ganyan ang araw-araw kong ginagawa. Mula dito sa eskwelahan ng Mariano Marcos State University hanggang sa bahay namin sa mountainous area ng Marcos Municipality. And vice versa. Humigit-kumulang isang oras ang gugugulin ko sa byahe.
Mas mahal ang mag-boarding house and at least, makakasama ko ang aking mudrakels. Habang nasa byahe, minsan, ang pinagdidiskitahan ko ay ang mga co-byaherong katulad ko.
Minsan nga, may kuto 'yung katabi. Take note, napakagandang dalaga iyon and she had many lice in her hair. Yacks! Kadiri to the max talaga! But then, I always do daydreaming, syempre pa, ang aking Prince Charming... si Aamir.
"Erin..." I heard again.
Teka lang, mga amiga, mga amigo. May nangungulit na boses. Ano kaya 'yun? Dwende o kagaya kong Hobbit na nagmula pa sa Lord of the Ring?!
Hulaan nyo nga!
Hmmmm.... I smell something fishy....
"Pssstttt...."
And of all people pa man din, ang aking Prinsipe ng Buhay ko: si Aamir Battara! Nakangiting lumalapit mula sa crowd ng mga estudyante. The jeepney was near where I supposed to go.
Ano ang gagawin ko? Halos himatayin ako sa kilig, sa galak, at sa bilis ng pagpintig ng aking heart. Susmio ginoo, mga friendships, ano ang aking gagawin?!!!!
Naging conscious ako sa aking sarili. Maganda ba ako? Nakaayos ba ang lahat sa akin? O kaya iyon bang tawag ni Tipaklong sa akin na toasted pusit?!!!
Hay naku, sumingit na naman ang walang kupas na kumag na iyon. Back to myself again, friendships!!!
"Erin..." paglapit niya sa akin. His voice is somewhat like Spongecola's lead singer, Yael. And as I earlier mentioned last time, tall, moreno, and handsome, my goodness.... Ang sarap siguro papakin ang lalakeng ito!!!
I wore my greatest smile ever after, mga amiga.
"Yes..." I said with an opened mouth.
Nginitian niya ako! And superkilig naman ako, aber! Wait! Pakipot ka muna, Erin!
"Pauwi ka na ba?," he said delightfully.
Diyos ko day, nasa harapan ko na siya! And his eyes like a Norse god, kulay light brown. Tinitingnan na ba niya ako? This is it!
"O-oo naman..." ba't nabulol ako. Sobrang kabog ng dibdib ko sa oras na ito. Para bang sasabog katulad ng Bulkang Pinatubo. "E, ikaw?" honey, my love, so sweet!!!
That's a Renz Verano song. Hiramin ko muna, Lolo Renz ha! Hay naku, papagalitan ako nietong Renz V., lolo ko na ba? Hindi ko nga kalahi pero that's a sign of --- aging?!!!
Bwahahahaha!!! Shunga ka ba? My half-brain said to me!
Don't mingle my affairs, shungang half-brain!
"Tara, sabay na tayo!," and my lighted eyes shone like the sun, the moon, and the stars at heaven's above!!! Totoo ba ito? And this is my first time to be with him since noong nasa flowershop ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/7855412-288-k686575.jpg)