Chapter 8: Game Over

21 1 0
                                    

Chapter 8

"Game Over"

"Go, Aamir honey, my love, so sweet!," ang malakas na tili niya sumandaling iyon. Nasa kalagitnaan ng laro sa pagitan ng grupo ni Aamir at ni Eros.

"Ang lakas mo naman makatili, babaeng pusit!"

Did she heard it wrong or tama lang?! Tiningnan niya ang taong nanlait sa kanya sa harapan man din ng special game ng larong basketball. She's a special guest ng dalawang magkatunggali.

"Hoy, Rashid, may melon amoy sa kile-kile, akalain mo naman, ang bayani ng mga mangungutang eh nakikinood. Ano kaya kung ipapatapon kita sa isla ng mga piranha para lamang mawala na ang ngek ngek mong bungaga!," ang mapanirang tirador niya at nakita niyang naka-shoot si Eros ng three-points.

Bwisit na Bombay na ito! Anong paki niya, nakikinood lang ito sa laro ng kanyang Aamir.

Narinig niyang nagkaroon ng komosyon sa grupo nilang manonood.

"Ano daw?!!"

"Pusit ba kamo?!!"

"Hey, Rashid, tama ba naman 'yang panglalait mo kay Erin?!!"

Hey, may nakikidalamhati sa kanya!

Pagtingin niya, isang kindat at flying kiss ang nabungaran niya at walang iba kundi ang anak ni Mamita na si Bertogo.

Yacks!

Inirapan niya ito!

"Akala mo kung sino kagandahan niyan! Eh, kulay pusit naman talaga ah, at mala-Hobbit pa ang laki nyan!"

Isang komentong nanggaling sa grupo ni Rashid.

Ano kaya, hambalusin niya ng gomang kasing amoy nito sa kile-kile??!! Ay h'wag na, baka mahawa pa siya sa amoy nito. Binelatan na lamang niya ito pagkatapos.

"Go, Aamir!!," ang malakas na tili niya sumandaling iyon at ang mga nakapaligid sa kanya ay halos mawarat na ang mga eardrums ng mga ito.

"Hay naku, akalain mo naman, ipagsigawan pa man din, hindi na nahiya!"

Isang boses palaka ang narinig niya sa kabilang upuan sa court na iyon.

"Foul, no. 8, Aamir!"

Huh?! Na-foul ang kanyang pinakamamahal?!!

"Ayan, tuloy, na-foul!"

Isa uling pinilipit na boses ang kanyang narinig sa kabilang benches.

"Hoy, mga bruha, mind your own business!"

"Tumahimik ka, babaeng pusit! Nakakarindi na ang boses mo ah. Tuloy, hindi ako maka-concentrate."

And that's Eros!

Inirapan niya ito, sinimangutan, at isang tingin na, "Humanda ka sa akin, tipaklong ka!"

Nagtilian ang kabilang audience sa pag-shoot ni Eros. Karamihan ay mga babae kasama na ang dalawang babaeng gusto yatang makipag-away sa kanya.

Nagpatuloy ang laro ng dalawang grupo. Pero siya ay hindi tumigil sa pagtitili at pagsuporta kay Aamir.

Last quarter na ang laro, last two minutes na lang ang natitirang oras. Ang score?

75-74.

Dikit ang labanan.

Tilian ng bawat kampo ang maririnig. At syempre, hindi siya nagpaawat sa kakatili.

"Shooooooooooooooootttttttttttttttttttttttt!!!!"

Ang patuloy na pag-cheer niya kay Aamir. Patuloy din ang pagtuligsa ng mga manonood at ngayon ay nag-iisa na siya sa bahaging iyon ng benches.

EROS (Son of Cupid)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon