Chapter 5: The Two Mishaps, Este, Three Pala

23 1 0
                                    

Chapter 5 

"The Two Mishaps, Este, Three Pala 

Part 1"

Sabi nga nila, pag minalas ka sa unang araw ng linggo, mamalasin ka talaga sa buong linggo. Ika nga, ang bawat kamalasan ay may kakambal ding malas.  

Sa umpisa, ayokong paniwalaan iyon, mga amiga, mga amigo. Pero parang totoo na yata ang mga kasabihang ito. Hmfpt... basta, sa ngayon, magkukwento ako. 

Dear diary, 

Araw ng Lunes, may pasok sa eskwelahan, syempre, alam mo naman, same faces, same classmates, same lahat-lahat, pati ang mga may BO. Hahahaha!!! Alam mo na 'yan di ba, as in body odor. 

Pagpasok ko pa lamang sa pinapasukan kong college building, halos lahat na yata ng mga pares ng mga eyeballs eh nakatingin sa akin. 

Tinanong ko kung bakit sa aking myself. Biglang nag-play ang utak ko ng, "Why, why, why Delijah?!!!".  

"Wow, naman, Erin, kagwapa mo day!," sabi ng isang lalake sa di kalayuan and my eyebrows turned upward. Para bang may sariling antenna! Tiningnan ko iyon at walang iba kundi ang pinakapanget na yata ng mga lalakeng ka-college ko and I don't care kung anu pa man ang pangalan nito, nevermind na lang. 

Ang pangalan pala ng lalakeng iyon ay Cosme, as in cosmeyo ginoo. Hakhakhak! May pake pala ako!!! Bwahahaha!!! Tanga lang anoh??!! Hehehehe!!!! Panget na nga, panget pa ang pangalan. Hindi katulad ni Aamir ko na kagwapo. Kumbaga, tall, moreno, and handsome. Just like Richard Gomez. And take note, mga amiga, mga amigo, nakita ko ang artistang ito sa palengke noong eleksyon ba.  

By the way, balik tayo sa akin. <Napangiti ako sa aking naisip. Kilig much ba kay Aamir, my love, so sweet ko! Hay naku....> 

"Uy, suplada ah! Pare, ini-snob ba ang kagwapohan mo!," singit ng kasama nitong payatot na ang tawag ay Bangkay. 

Tumirik ang aking mga mata at nagpatuloy sa paglalakad. Bigla akong nagpreno dahil sa aking narinig. 

"Did you hear about Aamir Battara?," ang boses ni Cosme. 

Wait!  

Stop, look, and listen! 

Naghintay siya ng mga segundo manong minute ay ni isang salita ay wala siyang nahintay. Lilingon sana siya at haharapin ang mga ugok na mga itlog na ito. Actually, apat ang mga ito. Pero para bang may glue sa aking mga feet...  

Si Cosme na sobrang yabang dahil daw nakarami na daw ng girlfriend. 

Si Bangkay na halos liparin na ng hanging Amihan! 

Yung dalawa, si Tobby na masyadong mataba eh mukhang Kokey naman ito. Hindi naman sa namimintas ako ha, pero iyon talaga ang dating sa akin eh. 

At ang panghuli, si Lickinfinger, isang lesbo na ewan kung bakit napasama sa grupo nina Cosme eh kababaeng tao, nagpapakalalake eh wala naman itong jutay ba. 

Hmpft! Just like that! 

"Ano bang nangyare kay Aamir, Pare?," si Tobby na kumakain ng chitchirya. 

"Eh, alam n'yo ba, sa ilog under the bridge ba, 'yung isyu dati kay McCoy." Si Cosme. 

"Ah, alam ko na 'yan, scandal ba!," si Lickinfinger. 

"Hindi! Halika kayo, sasabihin ko sa inyo!," bigla na lang nawala ang boses ng kumag na si Cosme. 

Hala... gusto nyang malaman kung anong chisma iyon. Teka, makapangalap nga ng information. 

EROS (Son of Cupid)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon