*MARTIN TYLER*"Are you nervous, Son?"
"No, Dad." I'm more than pissed than nervous right now.
Mula kanina pa kasi sila tanong nang tanong kung kinakabahan daw ba ako. Malamang kakabahan ako. Kasal ko kaya 'to.
You heard it right, people. It's my wedding day. At paggising ko pa lang kaninang umaga ay pinepeste na nila 'ko sa mga tanong nila.
Nagtataka na nga talaga 'ko bakit ako pumayag sa arrange marriage na 'to, e. Imagine, pakakasal ako sa isang isip-bata? Baby-sitter yata ang hanap no'n at hindi asawa.
"Gosh! Hindi na kita baby, pagkatapos nito," mama said and caressed my hair.
"Ma. Hindi mo naman talaga 'ko baby, e."
Puno na ang simbahan ng mga bisita. At ang magaling na si Yvonne, inimbita pati mga maids niya. Ang kukulay ng suot...sakit tuloy sa mata.
Nakarinig ako ng ilang bulungan at mayamaya pa'y nagbukas ng muli ang pintuan ng simbahan. Nagsilakad na papasok ang mga abay, flower girls at ring bearers.
Pagkatapos no'n ay mula sa labas, natanaw ko siya, suot ang isang...
"Psh. Purple gown. Serioursly?" bulong ko na lang.
Marahan siyang naglakad habang may naghahagis ng mga bulaklak sa kanyang ulunan.
And honestly, she looks majestic as she walked down the isle.
Nang makalapit na siya sa amin ay agad na siyang humalik sa pisngi ng mga magulang ko, matapos no'n ay pinaghawak na namin ang aming mga kamay.
"You look...cute," komento ko bago kami humarap sa altar.
"Sala-- *yawn*." Naks. Pahikab-hikab pa sa harap ni father.
"Ano na namang pinaggagawa mo at mukhang puyat ka?" bulong ko sa kanya.
"May kumuha kasi sa 'kin kahapon, mga alagad ni Charlie, yung tagapagmana ni Willie Wonka. Kilala mo 'yun? Tapos ayun, dinala akong ng men in black, akala kasi nila alien si butler Jun. Pero ang totoo..." Lumapit pa siya at bumulong sa tenga ko.
"Yung driver talaga namin ang alien. Kalbo rin siya at hindi siya kamukha ni Matteo Do, pero totoong alien siya. H'wag kang maingay ha? Baka malaman nila."
"Pwedeng pabatok, Yvonne? Ano bang nilaklak mo kagabi at ganyan kataas ang imagination mo?"
"Hmm? Kumain ako ng steak kagabi sa restaurant. Ah! Saka pala kitkat. Binigyan ako ni Mallows kagabi."
"Mallows?" Yung l**ntik na Luke na 'yon?
"Ehem! Maaari na ba tayong magsimula?" saad ni father kaya mabilis akong napalingon sa kanya.
Ito kasi, e!
Umayos na ako ng tayo at ganun din si Yvonne. Kaya't nagsimula na ang seremonya.
And we'll fast forward it a bit...
"I now pronounce you, Husband and wife. You may now kiss the bride," anunsyo ng pari kaya't naramdaman ko na ang pamamawis ng palad ko.
Heck! Hindi naman ito ang unang beses akong hahalik ng babae, pero ba't kinakabahan ako?
"Barney. Winnie the Pooh. Boots. Patawarin niyo 'ko kung hindi ko maibibigay ang first ko sa inyo," bulong pa niya habang mariing nakapikit ang kanyang mga mata.
Wow lang, a. Ang swerte kaya niya at ako ang first kiss niya. Tapyasin ko nguso nito, e.
"H'wag niyo 'kong iwan dahil nasa inyo pa rin naman ang puso ko. Don't worry I---mmp." Hindi ko na siya hinayaan pang magsabi-sabi at inilapat ko na ang labi ko sa kanya.
'Yan. E, di nanahimik ka rin.
I deepened the kiss and gently moved my lips. And heck. Her lips was very soft...and sweet. And so I moved my lips again.
"Woohoo!" Nakarinig na lang ako ng sigawan at palakpak kaya't nabalik ako sa wisyo at inilayo na ang labi ko sa kanya.
I looked at her again and noticed that she was blushing. What a cute sight.
Okay fine. I accept it. I am now married to this cute, childish, hello kitty freak.
----------------
"Congratulations! Woohoo!"
Narito na kami ngayon sa reception hall sa loob mismo ng hotel ng mga Mirazaki.
"Uy, bubwit. Sa'n parents mo?" tanong ko sa kanya.
"Ewan ko," sagot naman niya.
"Ba't 'di mo alam? Hindi mo ba sila ininvite?"
"I did. But mama said, they will be late. So I don't know where they are right now."
Sa totoo lang, hindi ko pa nakita kahit minsan ang parents niya. Wala rin naman kasing kahit anong letrato ng pamilya niya sa bahay nila. Puro carebears at si hello kitty kasi yung nakasabit sa dingding ng mansyon niya.
"And we'll go now to our next part. The slicing of the cake!" everyone clapped as we stood up and went to the cake stand.
Napansin ko naman ang agad na pagningning ng kanyang mga nang makita niya ang nasa mesa.
"Chocolate cake. Kya--mmp." Agad kong tinakpan ang bibig niya gamit ang palad ko.
"Yvonne. Behave," I said and she nodded kaya tinanggal ko na ang palad ko sa pagkakatakip sa bibig niya.
"You go first, Mr. Tyler. Let's see kung gaano kalaki ang isusubo mo sa kanya."
Kinuha ko ang tinidor sa platito at humiwa ng maliit na parte ng cake, at isinubo sa kanya.
"Ahh. Mmm." Halos magtatalon naman siya matapos kong isubo ang cake sa kanya.
"And now, Mrs. Tyler." Kinuha naman ni Yvonne ang isa pang tinidor at humiwa rin sa cake.
"Seriously, Yvonne?" Halos buong slice na kasi ng cake ang kinuha niya.
Gusto yata nitong mabulunan ako, e.
"Wow. Tignan natin kung maisusubo 'yan ng buo ni Mr. Tyler." Langyang emcee 'to, panay ang side comment.
Ibinuka ko na lang ang bibig ko para maisubo na niya ang cake.
"Ahh... Oy!"
Walanjo! Sinubo ba naman niya sa sarili niya kung cake.
"Engot! Sa 'kin dapat 'yan," bulong ko saka siya pinitik sa pisngi.
"Ehwwgahjaklkv kagshkaaj." At ang engot, nagsalita pa. Alam na ngang puno ang bibig, e.
"Sinabi ng h'wag kang magsalita 'pag puno ang mo, e!"
I leaned closer and kissed her again.
"Wahhh! Ang sweet!" I heard them say and then everyone clapped.
Bahala na. Basta hindi ako mapahiya dahil sa babaeng 'to.
I moved closer and licked her lips.
Ahh. Kaya pala gustung-gusto niya 'tong chocolate cake.
'Cause it was really sweet.
*****
Kindly click the Star button if you like this chapter. Thanks!
BINABASA MO ANG
The Cutest Mafia Boss (EDITING)
RomanceI may not be the strongest mafia boss out there. But I assure you... I am the cutest one. Mirazaki Series: One