CHAPTER TWENTY FOUR: SWEET POTATOES

17.8K 563 50
                                    

  *MARTIN TYLER*


"I love you, bubwit."

"Ah... Okay."

Paulit-ulit na nagpe-play 'yon sa utak ko. Parang sirang plaka. Langya. Walang-wala sa imaginations ko yung naging sagot niya.

Gusto niyo ikwento ko? Nah...wag na, nakakatanga lang.

Naglakas-loob na nga akong magtapat ng nararamdaman ko tapos ang isasagot niya.

'Ah... Okay.'

How dumb was that, right? Tengene.

Hindi ko tuloy alam kung may pagka dense si Yvonne o puro asukal na ang nasa utak niya kaya siya natatanga.

All in all. Nakakabwisit. Pero hayaan na, may susunod na pagkakataon pa naman.

"Kuya."

"Ouch? Sinong namatok sa-- Yui..." Agad akong napaayos ng upo nang makita ko si Yui na nakatayo sa harapan ko.

"You're obviously spacing out, Kuya."

"Sorry. Anyways, do you need anything?"

"Yes. I do. And it is an important matter," saad niya saka may inabot sa 'kin.

"Funland?" binigyan niya ako ng ticket para sa isang amusement park.

"Yeah. Onee-chan needs someone to accompany her on that grand opening. But I can't. Got too many projects to do."

"Ah. Okay."

"I'm taking you incharge of my sister, kuya. Make sure she is happy...and safe."

"Sure. I will. Thank you for this, by the way."

" 'Kay," aniya saka na ako tinalikuran.

I read the ticket and it says that it will open by 5:30. So I must prepare now, para umabot kami ni Yvonne sa opening. Tumungo ako sa kwarto at agad na nag-ayos.

Nang makalabas ako ay nakita ko na si Yvonne na nakatayo sa tapat pintuan ng kwarto namin.

"Sa'n ka galing, bubwit?" tanong ko.

"Sa may garden."

"Ano namang ginawa mo don? H'wag mong sabihing naglaro ka ng lupa ha?" tanong ko, pero agad na nanlaki ang mga mata niya.

Inamesh. Totoo nga.

"Ano, ayos ka na ba? Aalis na tayo."

"Ayos na 'ko. Tara na, Martin." Hinatak na niya ako palabas ng bahay at tinungo ang sasakyan.

"Funland... Funland~ Funfunfun...Funland~"

"You really are excited, Yvonne," komento ko habang nagmamaneho.

Ngayon ko lang naisip. Ito pala ang first time namin na magdedate, matapos ang kasal.

Psh. Naunahan pa tuloy ako ni g*gong Luke.

Nang makarating kami sa amusement park ay ipinarada ko na ang sasakyan at agad na kaming bumaba.

"Dalian natin, Martin. Malapit na ang fireworks show!" hinatak na niya ako papasok.

Ang daming tao, sa may entrance pa lang ay punuan na.

"ARE YOU READY, EVERYONE?" narinig kong nagannounce sa may speaker.

Nagcountdown na, at pati si Yvonne ay nakicountdown na rin.

"5...4...3...2...1!" At saktong-sakto sa pagbilang nila ay ang pagsabog ng maraming paputok.

The Cutest Mafia Boss (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon