Special Chapter: Four (Chocolate Syrup)

12.3K 372 1
                                    

*YVONNE TYLER*

I woke up in the middle of the night with a grumbling tummy.

"Nagugutom ako." Hinaplos ko ang tiyan ko saka tinignan si Martin sa tabi ko.

"Baby ko~" Lumapit ako sa kanya.

"Martin, nagugutom ako." Bahagya kong inalog ang braso niya.

"Hmm..."

I pouted. Ayaw niya gumising. Nagugutom na kami ni baby.

"Sige na nga, ako na lang." Lumapit na lang ako sa mukha niya at humalik. Tapos ay bumaba na ako ng kama at nagtungo sa kusina.

Ano kayang laman ng ref?

"Ay... Bakit walang chocolate?" inilibot ko pa ang tingin ko sa loob ng ref pero wala akong makitang chocolate.

"Eihh. Gusto ko ng chocolate." I pouted and folded my arms.

And then a bright Idea came into my mind. I'll just go to outside.

"Hihihi." I held my tummy again before taking my jacket and wearing it.

"Konting tiis na lang, baby. Malapit na tayong makakain ng chocolate." Isinuot ko na ang hoodie ko at marahang nilakad ang pasilyo.

Hindi ako pwedeng mag-ingay. Baka magising si Yui at si Martin.

I tiptoed until I reached our doorstep.

Whooo. Kaya mo 'to, Yvonne.

Marahan kong pinihit ang seradura habang inililibot ang tingin sa paligid.

"Clear." Nang makalabas ako ng bahay ay mabilis na akong tumakbo patungong gate.

Di rin ako dapat makita ng mga guards.

Pigil-hininga ko pang ginapang ang damuhan hanggang sa makita ko ang gate.

"Wew. Ganito pala ang ginagawa ni James Bond."

Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa magkabilang bulsa ng jacket at nagsimula nang maglakad.

Ang dilim. Okay lang, Yvonne. Kaya mo 'yan.

"Kaya ko 'to. Kaya ko---"

"Awoo!"

"Ahhh! Swiper!" Hala! Hinahabol ba 'ko ni swiper? Ba't may umaalulong?

"Dora..." I sniffed and continued walking. But then some creaking was heard. And so I gulped.

H'wag naman po sanang magpakita si Sadako. Please po.

"I love you, you love me... W-we're a happy family. With a great big hug and a kiss from to you..." I sang my favorite tune until I reached the roadway.

Doon marami nang sasakyan na dumadaan. I sighed. Buti naman, hindi ako sinundan ni Dora.

"Psst."

Hmm?

"Psst. Huy..."

T-teka... S-sinundan ba 'ko si Sadako?

"Oy, Miss."

"Ahhhh!" I screamed when I felt something on mg shoulder.

"Ayoko po, Sadako!" I swang my fist upward.

"Ouch!" Huh? Umaaray na ba si Sadako?

Iminulat ko ang mata ko at tinignan ang nasa harapan ko.

"Ay. Hindi ka naman pala si Sadako, e."

"Putspa. Ba't mo ba 'ko sinapak?!" sigaw niya pa.

"E, ba't ka ba kasi nagpapanggap na si Sadako?!" sigaw ko rin. Salbahe. Siya na nga nanakot, e.

The Cutest Mafia Boss (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon