CHAPTER TWENTY ONE: HONEY WAFFLES

18.5K 669 46
                                    

  *MARTIN TYLER*


"London bridge ish falling down... My fair lady~"

"Mukhang lasing na lasing ho si Madam, a."

"Opo, e. Yvonne, ano ba? Umayos ka nga!"

Nang mabuksan ng driver ang pinto ng kotse ay inalalayan ko ng lumabas si Yvonne.

"Manonggg! Isusumbong ko talaga kayo. Lapashtangan ka! Alien ka. Hihihi."

Langyang bata 'to. Isang baso ng red wine lang ang ininom niya, lasing agad.

"Mauuna na ho ako, Sir."

"Sige po, salamat."

Hinawakan ko na ang magkabilang braso ni Yvonne tapos ay pumasok na kami sa loob.

"MADAM YVONNE!"

"Ay tang--- ano ba?!" sigaw ko sa mga maids.

Ano bang problema ng mga 'to at bigla na lang nanggugulat.

"P-pasensya na po, Sir," saad pa nung naka-violet na uniform. Takte, mukha talaga silang rainbow.

"Powerpuff girlsh! Ba't kayo nandito? Ashan shi proffeshor?" tanong pa ni Yvonne habang nakaturo sa kanila at malamyang nakatayo.

Malala na 'to.

"Matulog ka na, bubwit." I carried her bridal style and went to our room. Kumuha ako ng basang bimpo sa loob ng banyo at agad nagtungo sa cabinet para kumuha ng pamalit niyang pantulog.

"Langya ka talagang babae ka. Pasalamat ka, mahal kita kung hindi, itatapon talaga kita sa labas," bulong ko pa habang pinupunasan ang mukha niya. Tapos ay pinunasan ko na rin ang braso at leeg niya.

Ang problema ko nalang ngayon ay kung paano ko siya bibihisan.

Napalunok na lamang ako.

"Okay. It's not being perverted, Martin. I'm her husband kaya okay...tama, okay lang," bulong ko pa sa sarili ko.

Iniangat ko na siya ng kaunti at inabot ang zipper ng damit niya sa likod.

"Yeah. Ano ka ba? H'wag kang mag-alala asawa mo naman 'to. Walang malisya. Wala--- oh my gahh..."

Mariin akong napapikit nang masilip ko ang hinaharap niya. Inamesh. Hindi ko dapat nakita 'yun.

Yung malusog at mabilog na... P*t*ng*na. Ang bastos na ng utak ko.

"Control yourself, Martin. Nagpromise ka 'di ba?"

Tama. Twenty. Wait until she's twenty. Wait until you marry her again.

Taena. H'wag niyo kasi akong i-pressure!

Minadali ko na lang ang pagbibihis sa kanya kahit pa nakapikit ako.

P*ta. Ayoko ko nang makita. Hindi ko na kakayanin kapag may nakita pa akong balat sa babaeng 'to. Mare-rape ko talaga 'to ng wala sa oras.

Nang maibutones ko ang suot niyang ternong pyjamas ay tumayo na ako at agad na pumasok sa banyo para maligo.

I was busy showering myself nang may bigla namang kumatok sa pinto.

"Bukshan niyo 'to... Pakawalan niyo 'ko!" Tapos ay kinalabog niya pa ang pinto.

Naaning na naman ang asawa ko.

Dali-dali akong nagtuwalya at isinabit ito sa bewang ko, saka na binuksan ang pinto. Pero napaurong ako bigla nang may kamaong dumapo sa ilong ko.

"Aww." Napaupo ako sa tiles sa lakas ng impact ng kanyang suntok.

"Bakit ka ba nananapak?!" sigaw ko at marahas siyang nilingon, only to find out that she was on the shower, wetting herself.

The Cutest Mafia Boss (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon