"AHHHHH!" rinig na rinig ang kanyang palahaw sa buong kabahayan.
"Si Madam Yvonne!" Agad na nataranta ang mga kasambahay dahil sa kanyang palahaw.
Nagtatakbo si Aling Lucing patungo sa garden kung saan nagtatanim ng bulaklak si Yui at si Martin.
"Sir! Sir! Miss Yui!"
"Ano pong problema?"
"Si Madam Yvonne po!"
"Oh fudge... Ngayon na ba?!" Agad na tumakbo ang tatlo papasok ng bahay hanggang nagtungo na sa kwarto ng mag-asawa.
"M-martin! Ahhh!" sigaw pa ni Yvonne habang namimilipit na sa kama.
"Wife!" Patakbong tinungo ng lalake ang kanyang asawa.
"M-martin...ang sakit na ng tiyan ko. Ahhh!"
"D-don't worry. Halika na." Marahang binuhat ni Martin si Yvonne saka na inilabas.
Sa labas naman ng bahay ay nakahanda na ang sasakyan.
Sakay na nito si Butler Jun, si Yui at ang batang si Marquis. At syempre si manong Fernan.
"Madam Yvonne," agad na bati ni Butler Jun nang bumukas na ang pinto at pumasok ang mag-asawa.
Nakapikit na si Yvonne at pilit na itinatago ang sakit na nararamdaman.
"Tayo na ho, dali!" Pinaharurot na ang kanilang sasakyan.
Limang minuto, sampu, labing-lima...
"P*nyetang traffic 'yan!" angil ni Mang Fernan.
Nasa kalagitnaan sila ng napakahabang traffic at hindi man lang gumagalaw ito.
"M-martin..." Namumuo na ang pawis sa kanyang noo at nagngingitngit na rin siya sa sakit.
"Shh. Sandali na lang. Kaya mo 'yan, okay?" anito sabay yakap sa asawa.
Pilit niyang pinakakalma ang asawa kahit siya mismo ay hindi na rin mapakali.
"Wala pa ho ba? Nahihirapan na ho si Yvonne."
"Ano ba naman 'yan!" Bumusina nang bumusina si Manong Fernan ngunit wala pa ring pagbabago.
"Stop it, Manong," saad ni Yui na seryosong-seryoso na ang mukha.
"Miss Yui, saan po kayo pupunta?" agad na tanong ng butlee nang buksan ni Yui ang pintuan ng sasakyan.
"Killing disturbance," sagot nito at tuluyan nang naglakad paalis.
Naghintay sila doon pero lahat sila ay nagulat nang makarinig ng mga putukan.
Limang putok ang umalingawngaw sa kahabaan ng traffic. Pero lalo silang nagulantang nang biglang dumaloy ang traffic at mabilis na nagsialisan ang mga sasakyan.
"What the...f*ck," bulong ni Martin habang pinagmamasdan ang paubos nang sasakyan sa kanilang harapan.
Muling dumating si Yui at pumasok sa sasakyan. Hawak pa rin nito ang baril, kaya't sigurado silang siya nga ang nagpaputok.
"Let's go," utos nito kaya't hindi na nagkandaugaga si Manong Fernan at pinaandar na ang sasakyan.
"What the hell happened, Yui? What did you do?" tanong pa ni Martin pero nagkibit-balikat lamang ang babae at humarap sa labas.
"Future wife," saad ng batang si Marquis at saka lumapit kay Yvonne.
"Take care inside, okay? You still have a marriage with me." Hinaplos pa nito ang maumbok nang tiyan ni Yvonne.
"Takte kang bata ka. Di ba nga sabi ng doktor mga lalake ang anak ko! Parehong lalake!" paglilinaw pa ni Martin pero nagkibit-balikat lamang din Marquis.
Umabot lamang ng halos sampung minuto at nakarating na sila sa ospital.
Sa labas nito ay nakaabang na ang stretcher, mga nurse at doktor.
Agad na binuhat palabas ni Martin ang asawa at isinakay sa stretcher.
Halos sumabog na ang kanyang dibdib dahil sa kaba.
"M-martin..."
"Nandito ako, Yvonne. Don't worry," saad nito saka pinisil ang kamay ng asawa.
Nagmadali na sila sa pagpasok. Hawak kamay naman ang mag-asawa sa buong oras ng kanyang panganganak.
"Arghh!"
"Harder, Mrs. Tyler. Push." Tumatagaktak na ang pawis ng babae habang umiiri.
She is suffering from the pain, but she knew it will be the happiest moment after her suffering.
"Wife, kaya mo 'yan." Hawak-hawak pa rin ni Martin ang kamay ng kanyang asawa at mabining hinahalikan ang noo nito.
"I can see the head. Push, Mrs. Tyler."
"Ummm! Ahhh!" Huling sigaw niya bago tuluyang lumabas ang dapat lumabas.
"Haa. Haa..."
"You made it, Mrs. Tyler. It's a boy!"
"Uwaaa! Uwaa!" palahaw ng sanggol.
Ngunit hindi dito nagtatapos ang lahat.
"Isa pa, Mrs. Tyler. Push again okay?"
Tumango na lamang si Yvonne bilang sagot. Muli siyang huminga nang malalim at umiri.
Isa pang lalake ang kailangan niyang iluwal sa mundo.
"Ummm! Ahhh!" muling angil niya.
"More. More, Mrs. Tyler."
Kaunti pa...kaunti na lang.
"Haa! Haa! Ahhhh!" At doon na lumabas ang huling bata.
Halos panawan na rin siya ng ulirat matapos ang mahabang oras ng panganganak.
"Congratulations, Mrs. Tyler! It's a..."
.
.
.
.
"It's a girl?"
"What?" agad na tanong ni Martin.
"It is a girl," naguguluhan ring saad ng Doktora.
"How did she..."
*******************
BINABASA MO ANG
The Cutest Mafia Boss (EDITING)
RomanceI may not be the strongest mafia boss out there. But I assure you... I am the cutest one. Mirazaki Series: One