CHAPTER THIRTEEN: Piña Colada

23.6K 1K 74
                                    

  *YVONNE MIRAZAKI*


"Hoy, Bubwit. Nakatulog ka na yata diyan sa banyo. Anong oras ka ba matatapos?" rinig ko pang tanong ni Martin mula sa labas.

"Eto na po," sagot ko na lang at muling tinitigan ang sarili ko sa salamin.

Isinuot ko na ang hairpin na ibinigay niya kagabi at dinampian ang labi ko ng kaunting gloss. I licked my lips.

"Hmm. Ang tamis." Lasang candy din ang lipgloss. Hindi kaya, gawa ito sa candy?

"Hoy, Yvonne!" muling sigaw ni Martin saka kinalabog ang pinto kaya't dali-dali na akong nagayos at binuksan na ang pinto.

"Ang tagal mo diyan. Wala namang nagbago sa itsura mo. Umano ka sa banyo, nagswimming?" Agad namang nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig.

"Hala. Pa'no mong nalaman, Martin? Manghuhula ka ba? Akala ko ba prinsipe ka? Di ba... Aray!" Napahawak agad ako sa aking noo nang pitikin na naman niya 'ko.

"Mukha kang timang, bubwit. Usog na nga at maliligo na 'ko."

Boo. Pangit ka, Martin! Pangit!

Hinayaan ko na lang siyang makapasok sa banyo at naupo na lang ako sa kama habang hinihintay siya.

Tumayo ako at tumapat sa salamin saka tinignan ang suot kong shirt.

"Ang cute talaga!"

Binilhan kasi ako kahapon ni Martin ng tshirt na may Lilo and Stitch tapos meron din siya, terno kami. We're like twins na tuloy. Hihi.

Matapos ang halos tatlumpung minuto ay sa wakas, lumabas na rin si Martin.

Nagswimming rin yata 'to sa bathtub, e.

"Tara na, Martin! Dalian mo na!" sabi ko sabay hatak sa kanya.

"Aray! Oo na. Makahatak ka, e."

"Tara na kasi!"

"Di ka naman excited niyan, Yvonne?"

"Huh? Excited ako! Super excited!" I dragged him outside our room. Upon reaching the exit of the hotel.

"Nami the tourguide?" bulong ko pa nang matanaw namin siya.

Bakit gano'n?

"Good morning, Sir. Let's go?" she asked and walked closer.

"Nami, how did your hair become short?" I asked.

Nasaan na 'yung masterpiece ko sa buhok niya?

"Oh. Well some b*tch just put a gum on my hair, and so I decided to cut it.

"So let's go?"

"Okay! Tara!" hahatakin ko na ulit sana si Martin nang tumigil naman ito sa paglalakad.

"Oh. You're coming with us, ma'am? But the package was for two people only," sagot niya pa.

"You're not coming with us," he said straight.

Hala. 'Di ako sasama? Bakit? Gusto ko pa namang libutin yung Island.

I pouted and folded my arms.

"So let's go, Sir?"

"I said you're not coming with us. Are you deaf or just plain stupid," sabi ni Martin saka na hinawakan ang kamay ko.

"B-but, Sir. I'm your tourguide and--"

"I don't care. My wife and I don't need a tourguide. Here's the money. Take it."

Ay akala ko ako 'yung maiiwan. Si nami pala.

The Cutest Mafia Boss (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon