CHAPTER THIRTY FIVE: SNOW BEAR

16.1K 453 5
                                    

  (Time setting: Three months later.)


'Babe honey sweetheart~'

'Psst. Uy, babe honey sweetheart naman.'

'Gising ka na. Uy... Wake up, wife.'

'Wake up...'

"Wake up. Madam Yvonne, please wake up." Nangunot agad ang aking noo at narinig na ang ingay sa paligid.

"Madam Yvonne."

Ayoko pa. Please, ayoko pa.

"H'wag mo muna 'kong gisingin, butler Jun."

Gusto ko pa siyang makita. Kahit sa tuwing pagtulog ko lang. Kahit sa panaginip lang.

"Madam Yvonne, hinahanap na po kayo ni Master Shin."

Nang marinig ko ang pangalan niya ay tuluyan nang nagising ang diwa ko. Iminulat ko ang mga mata ko at marahang tinignan si butler Jun.

"Hindi pa ba 'ko pwedeng umuwi?" mahinang usal ko.

Napansin ko naman ang pagluhod niya upang mapantayan niya 'ko.

"Patawad kung wala akong maitutulong, Madam Yvonne." Hinawakan niya ang kanang kamay ko at marahang pinisil.

"Gusto ko nang bumalik." At agad ko nang naramdaman ang pagtulo ng mga luha ko.

Parating ganito. Halos araw-araw na magigising ako, hihilingin ko na sana siya ang nasa tabi ko.

"Patawad, Madam Yvonne."

"Wala naman ho kayong kasalanan, e. Kayo nga 'tong hindi ako iniiwan. Kahit saan ako mapunta, nariyan kayo." Bumangon na ako sa kama at tumayo mula sa higaan.

Panibagong araw na naman.

Iginiya ako palabas ng kwarto ni Butler Jun. Habang nasa may daanan kami ay kapansin-pansin pa ang mga nagbabantay sa 'kin rito sa loob ng mansyon.

Nang makarating kami sa hapag ay naabutan na namin siya, habang nagbabasa ng dyaryo.

"Come, sit."

Naupo na lang ako katapat ng pwesto niya.

Gustung-gusto ko nang umalis rito, pero alam kong hindi pwede. Nang gabing tinawag ko ang lahat ng myembro ng aking mafia, alam kong susunduin niya 'ko. Gusto ko nang makausap sila mama, si papa at si Yui. Gusto kong marinig ang boses niya, pero kahit telepono hindi ko pwedeng gamitin.

"Eat your breakfast, Yvonne."

"Hai, Oji-sama." Pinilit kong kainin ang mga pagkaing nakahain.

Hindi masarap. Ni walang lasa ang pagkain. Hindi ko alam kung anong panlasa meron siya at nasasarapan siya sa ganito katabang na pagkain. Alam kong ako ang nagdesisyon na gawin ang pagpunta ko rito, pero hindi ko naman kasalanan na diabetic siya kaya bakit pati ako hindi dapat kainin ang bawal sa kanya?

Sobrang dami ko nang nami-miss. At isa na do'n ang asukal.

Sa loob ng tatlong buwan na nagdaan, nagtiis ako na walang matamis sa bibig ko. Pero kung magtatagal pa 'to, panigurado mababaliw na 'ko.

"Next week will be the date for the bloodbath, Yvonne. You have to train yourself now."

Napalunok ako. Ayokong sumali. Paniguradong mamamatay na talaga ako dun.

"And do not even think of withdrawing from the bloodbath, Yvonne."

"I am not, Oji-sama. I can go home after winning, right?"

The Cutest Mafia Boss (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon