(Note: Different time frames ang bawat chapter kasi nga untold ang bawat scenes so sana h'wag maguluhan.)
----------------
*JAKE HANSEN*
"Pakiusap naman, Dude tulungan mo na 'ko!" halos lumuhod na 'ko sa harapan ni Martin para lang magmakaawa.
"Taena mo, Jake. Bakit ba kasi kailangan mo pa ang tulong ko. Magpo-propose ka lang naman kay Rhen?"
"Yun na nga, e! Magpo-propose ako kay Rhen my loves. Alam mo naman kung gaano kapabebe ang babaeng 'yun."
And yes I am planning on proposing to my one and only love. Kaya lang paano ba? Isa lang naman akong hamak na gwapong nilalang na may malakas na sex appeal at macho at...
(A/N: Oh, shut up! Staplerin ko na 'yang bibig mo!)
O-oo nga... Na torpe pagdating kay Rhen.
Imagine, for how many years we've been together. Hindi ko pa siya nahalikan, rather hindi pa niya 'ko hinayaang makahalik sa kanya. Langya talaga, e. Sayang ang kagwapuhan ko sa kaartehan niya.
"Lumayo ka nga muna. Ang sagwa nating tignan, seryoso," saad pa niya habang pilit na inaalis ang braso ko sa mga binti niya.
"Taena mo, Dude. Hindi talaga ko aalis dito hanggat hindi mo 'ko tinutulungan."
"G*go, parating na si Yvonne! Alis na diyan!"
"E, di masaya. Makikita niya tayong naglalabing labing tapos..." bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay bumukas na ang pinto.
"Baby ko! Good ---- Vegeta? Anong ginagawa mo diyan?" bungad sa amin ni boss pagkapasok niya.
Ngumisi ako at tiningala si Martin.
"Dude, sinasabi ko sa 'yo. Yayakap ako dito kapag hindi mo 'ko tinulungan," banta ko pa saka na humigpit ng kapit sa mga binti niya.
"G*go! Alis! Walang hiya ka! Yvonne, patayin mo na nga 'to!" sigaw niya pa.
"Okay." Agad naman akong nagulantang nang marinig ang pagsagot ni Yvonne kaya't agad na akong bumitaw at lumuhod sa harap niya.
"S-sorry na po, boss. Biro lang 'yun promise. H'wag mo kong patayin!" pagmamakaawa ko pa.
"Sige," tugon ni Yvonne saka na lumapit kay Martin. Napabuntong-hininga na lang ako.
"Martin, kiss ko." Kita ko pang ngumuso si Yvonne sa harap ni Martin.
"F*cker, tumalikod ka," utos pa niya sa 'kin.
"Sus. Maglalaplapan lang kayo, e. Papatalikurin mo pa ko. H'wag ka nang mahiya, Dude." Nakangisi pa ako sa kanila.
"Hindi naman ako nahihiya, tanga. Naaawa lang ako sa 'yo, inggitero ka pa naman. Wala kasing hahalik sa 'yo."
"F*ck you, dude! Sagad sa buto 'yang atake mo!" sigaw ko saka na tumalikod sa kanila.
Mga walanghiya! Ano naman kung hindi ko mahalikan si Rhen?! Taena niyo!
Humarap ako bigla at nakita ko tuloy ang ginagawa nila.
T*ng*na. Nakakainggit nga. Tuwang-tuwa si Martin sa labi ni Yvonne, e. Langyang paglilihi 'yan. Ba't kasi sa labi pa niya? Napakaswerte ng mokong.
"Ehem. Mga anong oras kayo matatapos sa laplapan niyo? Nanghihingi ako ng tulong, o."
"Maghintay ka, Vegeta," saad ni Yvonne saka muling kinabig ang mukha ni Martin at hinalikan.
Tsk. Peste.
Mayamaya pa'y naghiwalay na silang dalawa kaya tumikhim na 'ko.
"Ano tapos na? Pwede niyo na 'kong tulungan?"
BINABASA MO ANG
The Cutest Mafia Boss (EDITING)
RomanceI may not be the strongest mafia boss out there. But I assure you... I am the cutest one. Mirazaki Series: One