CHAPTER TWENTY NINE: JELLY BEANS

18.1K 471 30
                                    

  *MARTIN TYLER*


"Kailan niyo ba balak lumayas sa bahay namin?"

"Duh. You're so damot talaga, Marty. Baby Vonne, pinapaalis mo na ba 'ko?"

"No. Of course not. Martin, bakit mo pinaalis si ate Rhen?"

"Psh. Kinampihan mo pa 'yang malditang 'yan."

'Tong Rhen na 'to, abnormal rin, e. Naalog siguro ang utak niya nung sinuntok siya Yvonne.

"Aww. I love you na, Baby Vonne." Nagsumiksik pa si Rhen kay Yvonne tapos ay kumapit sa braso niya. Close na agad sila.

"Rhen, lumayas ka na nga diyan. Pwesto ko 'yan, e. Doon ka sa kabilang sofa," saad ko saka siya pinausog pero ayaw naman niya.

"Ayoko dun no. Nandoon ang demonyita, o." Sabay nguso niya sa kinauupuan ni Yui.

"Bakit ganu'n, baby Vonne? Masyado kayong opposite ni Yui maldita. Sino ba talaga sa inyo ang panganay?"

"Ten lang si Yui, ate Rhen."

"Ganun? Hindi halata, e," anita saka pa binelatan si Yui.

Nasampolan siguro 'to ni Yui ng kamalditahan.

"Hindi mo ba bibisitahin si Mom at Dad? Tumawag si Mom kagabi, hinahanap ka. Ba't ka daw nandito sa bahay namin."

"Oo nga no. Buti sinabi mo, Marty. Baby Vonne samahan mo 'ko kila tita Stacy, a. Please."

"Hindi pwede," sabat ko pero tumango na si Yvonne sa kanya.

"O, pumayag na ang asawa mo, Marty. Isasama ko siya kila tita."

"Mangaagaw," sabi ko nalang.

"Akin na muna si Baby Vonne. Tara, punta na tayo kila tita."

"Sandali!" sigaw ko.

"Sasama ako. Hintayin mo 'ko, bubwit." Mabilis na akong nagtungo sa kwarto at nagpalit ng damit.

Ginamit ko na lang ang kotse ko at isinama na sila pauwi sa amin.

Psh. Aagawin pa yung asawa ko.

------------------

Nang makarating kami sa loob ng garahe ay mabilis nang bumaba si Rhen.

"Yvonne, sandali." Pinigilan ko muna siyang lumabas.

"Dito ka lang sa tabi ko," sabi ko pa.

"Bakit?"

"Kasi sinabi ko. Kapalit no'n... Ito." Kinuha ko ang paper bag sa may backseat saka ito inabot sa kanya.

Agad na nagningning ang mata ni Yvonne nang makita ang laman nito.

"Ano? Kanino ka na sasama, Kay Rhen o sa 'kin?"

"Sa 'yo!" sagot niya ng may malapad na ngiti.

Of course papayag siya. Binigyan ko na siya ng isang pack ng jelly beans, e.

Woohoo. Wala pa ring tatalo sa matamis pagdating kay Yvonne.

Bumaba ako ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto, at kapit-kamay kaming pumasok sa loob ng bahay.

"Yvonne, dear!" tili pa ng nanay ko nang makita si Yvonne.

"Hello po, tita Stacy," sagot ni Yvonne pero nakakapagtaka na hindi lumalapit sa kanya si Yvonne. Humawak si Yvonne sa braso ko, and that's when I realized. Sinunod ni Yvonne ang sinabi ko na h'wag siyang hihiwalay.

"Sige na. Puntahan mo na si Mom." Nginitian naman niya ako at agad nang tumakbo patungo sa nanay ko.

"Hindi ko alam na possesive ka pala, Marty. Takot na takot lang?" saad ni Rhen kaya agad ko siyang pinitik sa tenga.

The Cutest Mafia Boss (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon