"Baaaaaaank!" Sigaw ko pagbangon ko ng higaan ko.
"Haynako Giselle, wag ka nang umasa na mapapansin ka nya. Unang una, ang gwapo gwapo nya, hindi naman sa nilalait ko ang itsura mo noh? Maganda ka naman, pero ayun nga, yung level ng kagwapuhan nya eh, hindi kalevel ng kagandahan mo. Ibang iba talaga sya." May isang maliit na boses sa utak ko na pilit akong pinawawalan ng pag-asa. "Pangalawa, ang layo layo nya, feeling mo maririnig ka nya kapag sumigaw ka? Feeling mo dadating sya kapag umiiyak ka para lang patahanin ka? No, never. At huli, artista sya sa Thailand bes, anong feeling mo? Artista ka din?" pang iinsulto ko sa sarili ko.
Napapikit ako ng madiin at sumigaw. "Aaaaaaaaaaaaaaah! Bakit kasi hindi nalang sya taga dito, para may chance na makikita ko sya."
Oo, may chance ako na makikita ko si Bank, kelan? Kapag tapos na ako ng college? Eh freshmen po ako halo!
Wala na, wala talagang pag-asa na maging kami.
Shet! Bakit ko ba kasi iniisip na sana maging kami? Alam mo yung feeling na hopeful tapos magiging hopeless ?
Tumayo ako sa kama ko at pinagmasdan ang poster ni Bank sa likod ng pinto ko. Home made lang ang mga picture na ito, dahil itong mga taga-Pinas ay nilamon na ng BTS, EXO, Twice,Wanna One, Black Pink at iba pang mga K-Pop group. Kaya ayan di uso ang mga Thailander dito.
Tuwing pinanunuod ko si Bank sa mga series nya kahit di ko masyadong maintindihan masaya na ako makita lang sya, madalas naman may english subtitle.
Gusto ko yung ginanapan nya si Than ng Theppanya, he's the best setter.
Halos lahat tuloy ng generation nya kilala ko.
Katulad ni James Teeradon bestfriend nya at Jayler, Frung,Nonkul,Thanaerng,PunPun, at Tor
Tama, unang beses ko syang nakita sa May Nai Fai Rang Frer, the electroshock chic. Ang cutie nya dun. At yon lang naman ang una nyang pelikula at wala pa ulit syang ginagawang pelikula.
Alam ko din na 2015 sya nagdebut at that time he's only 18.
Haynako Pong, tuwing November 19 binabati kita pero ako hindi mo ako binabati sa birthday ko.
Nag-comment na nga ako sa isang post mo sa instagram na isang bati mo lang sa birthday ko that would be the perfect gift I'll receive.
Alam ko din na nag-aaral ka ng english kay Teacher Loukgolf. Kaya nasiyahan ako kasi if ever na makaka-usap kita magkakaintindihan tayo.
Shit! Here I am again, lagi nalang nagpaplay ng fantasies ko kay Bank tuwing umaga. Ang hindi ko namalayan ay maaari na pala akong malate kakatitig ko sa poster ni Bank.
Chan rak kun Bank. Kailan ka kaya magrereply sa akin ng phom rak kun?
______
Credits: Bank Thiti Upadates
BINABASA MO ANG
Signos
Fanfiction"Sabi ko naman sayo Giselle, magbigay ka ng signs para makita na natin yang si Mr. Right mo, college ka na pero anyare besh? NBSB pareeeeen?" Bwisit talaga yang si Kristine. Hindi naman kasi ako choosy, kung sinong dumating sya na yun, kaso walang d...