*Kring Kring* * Kring Kring*
Eh, naman! Bakit napakabwisit pakinggan ng alarm na yun?
Napakamot nalang ako sa ulo ko at nag-inat. "Sawatdee ka Lok!" Masaya kong bati sa buong daigdig.
Napatingin ako sa poster ng iniidolo ko sa likod ng pinto ng kwarto ko. "Sawatdee ka Bank!" bumangon ako at lumapit na naman sa litrato nya.
Nakakakilig talaga itong lalaking ito. Napakagwapo. "hmmmm!" nakakagigil. nagkunwari akong kinukurot ko ang pisngi nya. Asa!
Inayos ko ang pinaghigaan ko at saka nag-ayos ng sarili.
Mga ilang minuto lang ay agad akong bumaba. Nadatnan ko si Nanay na naghahanda ng pagakain naming dalawa.
"Hmmmmm, ang bango, mukhang masarap ah?" pambobola ko.
"Humh, nako Giselle, wag mo akong binobola bola." sagot nito sa akin.
Hahaha pero totoo, mabango nga at mukhang masarap talaga.
"Kain na anak." aya sa akin ni nanay.
Umupo naman na kami at kumain na. "Than hai a-roi." sabi ko kay nanay.
"Wag mo ako ginaganyan-ganyan anak at baka masagot kita ng hangul." biro ng nanay ko. Napatawa naman ako ng bahagya sa sinabi nya. Oo, A.R.M.Y sya.
As in kasali sya sa fandom na iyon. At guess who's her bias? Yeah the leader, Kim Namjoon, a.k.a. Rapmonster.
Why not? She's just 42. Anong masama kung maging koreaboo si nanay. Bago ko nga makilala si Bank, I'm an A.R.M.Y. too. Kim Seokjin is my bias. Nung naka-angat angat na kami ni nanay nakakapanuod na kami ng mga concert nila. Standing VIP pa.
Nang makatapos kaming kumain ay nagtoothbrush na kami at lumabas na ng bahay.
Sumakay na kami ng kotse ni nanay na naipundar nya sa pagbebenta nya ng condo. Walang duda, oo may sarili na akong unit, at nakapasimple lang nito. Hindi pa namin kaya ng malalaking unit noh. Halo!
Nagdrive din sya ng mga ilang minuto at nakarating na kami ng university na pinapasukan ko.
"Nay, salamat po." Sabay halik sa kanyang pisngi.
"Ingat anak, galingan mo. Hwaiting!" paalam nya at napa-iling nalang ako sa ginawa ng nanay ko.
Tumuloy na sya papasok ng trabaho at ako naman ay naglalakad na sa loob ng university.
"Elle!" nako! Kilala ko na kung sino to! Ang pinakamakulit na kaibigan ko.
Nagkunwari akong walang naririnig at nagpatuloy sa paglalakad.
"Elle, ano ka?" malakas na sigaw nito sa akin nang makalapit na sya. "Huy!" tawag nya. "Kamusta ang weekend mo?" tanong nya.
Hay, salamat, hindi nya ako kinukulit tungkol sa signs.
"Okay lang, yung sayo ba? Ano puro babe time nyong dalawa?" Tanong ko.
"Hinde." sagot nya. Kumunot naman ang noo ko. "Babe time namin ni Lai Guan Lin."
Kumunot naman ang noo ko at inirapan nalang sya.
"Eh ikaw? Tumigil ka na ba kakapantasya dyan sa Bank na yan? Magbigay ka na kasi ng signs para mahanap na natin ang Mr. Right." kinanta nya pa yung word na Mr. Right
Psh. Akala ko nakaligtas na ako ngayong araw. "Bye, may klase pa ako ng 8:30." Paalam ko.
"Ako na ba gagawa ng signs para sayo?" sigaw nito pero hindi ko na lang sya pinansin.
BINABASA MO ANG
Signos
Fanfiction"Sabi ko naman sayo Giselle, magbigay ka ng signs para makita na natin yang si Mr. Right mo, college ka na pero anyare besh? NBSB pareeeeen?" Bwisit talaga yang si Kristine. Hindi naman kasi ako choosy, kung sinong dumating sya na yun, kaso walang d...