"Fer, time na!" pag gising ko sa kanya.
Hindi ako nakapag-isip ng maayos dahil kay Bank kanina. Nakakainis, bakit ganun sya umasta?
"Hmmmmmmmmm!" Pag-iinat ni Fer na kita kong ngiting ngiti pagkagising. Tinapik ko naman ang noo nya.
"Sarap ng tulog ah, ako nga hindi nakatulog eh." Pagtataray ko.
Biglang hinawakan ni Fer ang mga balikat ko at bahagyan hinaplos iyon.
Nako, Fer, wag, nag-aaral pa tayo.
"Next time, ikaw naman ang tutulog, sorry na Elle ha? I'm just really tired." sambit nito atsaka tinanggal ang mga kamay nya sa balikat ko.
"Tara na, kung ano ano pa sinasabi mo." pag-iiba ko ng usapan.
Nag-ayos naman kami ng mga gamit namin at saka tumayo na. Inalalayan ako ni Fer na tumayo at saka ako nagpagpag ng pants ko.
"Salamat!" sambit ko nang matapos akong mag-ayos ng sarili.
"We're gonna be late." sagot nya at saka kami nagpatuloy na maglakad.
*****
"Salamat Fer!" Kaway ko mula sa labas ng gate.
Nginitian nya naman ako at ganun din ang ginawa ko. Medyo nasasanay ako sa ganung ugali ni Fer. He's not totally changed.
Nang makita ko na malapit na sya sa pangalawang block ng subdivision kung saan sila nakatira ay pumasok na ako sa bahay.
"Nay! Andito na po ako!" sigaw ko nang makapasok ako ng bahay.
Pag-angat ko ng ulo ko nagulat ako at muntik na akong atakihin sa puso. Napahawak nalang ako sa dibdib ko.
"Why are you here?" tanong ko habang kinakabahan sa seryoso nyang mukha.
"Why do you care?" seryosong tanong nya na halatang may galit?
"Why are you like that? Are you mad?" tanong ko nang mapansin ko ang awrahan nya.
"Why do you care? Do you really care? I'm here just to say goodbye." plain nyang sagot.
Nagulat ako nang sabihin nya yung goodbye, parang walang expression para sa goodbye na yun at parang pang walang kwentang fan lang ang sabi nya sa akin.
Parang kumabog ang dibdib ko ng sobrang lakas. Gusto nyang makahulagpos. Gusto nyang makawala. Bakit? Bakit malakas ang kabog ng dibdib ko gayong malungkot ang nararamdaman ko? Sobrang lungkot nang sabihin ni Bank ang salitang yon.
"Why so soon? I just came here." bahagya akong tumawa "Okay, take a rest on your room, comeback here at Sunday if you want." kalmadong sambit ko atsaka sya nginitian.
Hindi nagbabago ang itsura nya at mukhang hindi nya trip magsalita ngayon. Hindi ko alam kung bakit ganito si Bank.
"Hey! Hello?" I try to look like I'm fine.
"I'm going back to Thailand tomorrow!" Mabilis nitong sabi.
I was shocked.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi manlang ako makagalaw.
Giselle try to look fine again please! Don't you dare shed a tear in front of him. You're just a fan. Please don't assume that you already have him within 2 months. All of that was just a fucking fan service. Don't take it seriously Giselle. Please.
"Why so soon?" tanging tanong ko.
"I don't know, I don't wanna be hurt." tanging sagot nya na hindi ko maintindihan.
BINABASA MO ANG
Signos
Fanfiction"Sabi ko naman sayo Giselle, magbigay ka ng signs para makita na natin yang si Mr. Right mo, college ka na pero anyare besh? NBSB pareeeeen?" Bwisit talaga yang si Kristine. Hindi naman kasi ako choosy, kung sinong dumating sya na yun, kaso walang d...