"Anak, okay lang yun si Bank." Tawag sa akin ni nanay mula sa saradong pinto ng aking kwarto.
Tama! Naiiyak na nga ako. Iba noh? Parang asawa ni Bank kung makaiyak eh noh? Anyways, walang pakialaman, naiyak nga ako minsan dahilan lang ay hindi ko pa nakikita si Bank sa personal.
Pero ngayon nakita ko na sya sa personal, pati si Oab. Ay mas lalo akong naging emosyonal. Nasa ganong estado pala sila ngayon. Ni hindi ko manlang natanong kung anong hotel ang tinutuluyan nila.
Pero ano ako? Pagmumukhain kong tanga ang magandang mukha na ito? Eh hindi din naman sila tatanggap ng bisita.
*toktok* "Anak may bisita!" Sigaw ni nanay.
"Pasabi po hindi ako natanggap ng bisita ngayon at sobrang sama ng pakiramdam ko, salamat nay!" sigaw ko.
"Bumaba ka na, andito na naman si pogi, anak wag ka nang pakipot." sambit ni nanay na talaga namang nakapagpatayo sa akin sa pagkakahiga ko sa aking kama.
"Sino si Pogi nay?" tanong ko nang mabuksan ko ang pinto.
"Hahaha wala binibiro lang kita." malokong ngiti ang kasama ng kanyang malokong tono.
Napasimangot ako at humiga muli sa kama ko at nagtaklob ng kumot.
"Anak naman, alasdose na ng tanghali di ka pa kumakain hanggang ngayon." usal nito at saka umupo sa kama kalapit ko. "Ganyan ka ba talaga ka-adik sa Bank na yan?" tanong nito kahit alam nya na hindi ako sasagot.
Oo ganun ako ka-adik kay Bank, lol! Hindi naman ako magiging ganito kung hindi ko alam na nandito sya eh, Yung feeling na, andito na plus nakita mo at nakasama mo, pero nung kasama mo sya ay, you didn't recognize him.
Yung feeling na, 'Bank please magpakita ka ulit please', pero hindi na yun mauulit. Alam ko. Once na nakita mo at nakasama mo ang isang complete stranger, there is 1% of 100 na makakasama mo sya ulit.
Pero hindi sya stranger para sa akin.
Pero how about me? Hahah oo, stranger pala ako sa kanya.
'He recognize you' Nag pop-up sa utak ko ang sinabi ni Oab. He recognize me means hindi ako stranger para sa kanya. Ha-ha-ha-ha, eh ano naman? Does he care for me like I care for him? Imposibleng oo.
*Dingdong*
Napatayo ang nanay ko sa kama ko at agad na nilisan ang kwarto ko.
Ilang segundo lang ay tinawag na naman ako ni nanay.
"Anak, si pogi nga anditooo!" kinikilig na sigaw nya.
This time hindi lang ako napabangon. Mabilis akong bumaba ng hagdanan at nakita ang isang maputing lalaki na nakablack long sleeves, black pants,black wet cap,black mask.
Tumunghay ito at nang makita ko ang mata nya, nanigas ako sa kinatatayuan ko.
OW EM GEEEEEE!
It feels like I'm frozen here.
Nung ngumiti sya sa akin ay, MAY GAD! Pang colgate bes!
"Wa-what are you doing here." tanong ko nang mahulasan.
Ngumiti muli sya sa akin at muli na naman akong natigilan dahil duon.
"We-where's Bank?" tanong ko.
"He's in our hotel room. I really like some fresh air outside, but Bank didn't want to go, so I guess you're free today?" aya nya at tumingin kay nanay at binigyan ng 'Can-I-?-Look'
Tumango naman ng malambing ang haliparot kong ina.
Tiningnan ko sya at tumango lang din sa akin.
BINABASA MO ANG
Signos
Fanfiction"Sabi ko naman sayo Giselle, magbigay ka ng signs para makita na natin yang si Mr. Right mo, college ka na pero anyare besh? NBSB pareeeeen?" Bwisit talaga yang si Kristine. Hindi naman kasi ako choosy, kung sinong dumating sya na yun, kaso walang d...