Chapter 11

13 0 0
                                    

"Is, is this a date?" tanong ko kay Bank habang kunot ang nuo ko. 

Napangiti naman sya sa akin at tumungo. 

Yeah! Its a date. Hindi sa pag-aassume na naman ano? Feeling ko kasi oo eh. 

"So let's go?" aya ni Bank sa akin at iginiya ako sa isang lamesita na nakapwesto sa isang malawak at maaliwalas na hardin at punong puno ito ng magagandang halaman. 

Oo kaya ako nagulat dahil sa ayos ng lamesita eh. Ang romantic lang ng mood. Hindi ko alam kung uupo ba ako nung nakarating na kami, ipinaghila nya ako ng bangko, hindi ko alam kung anong gagawin ko nun. Hihilahin na nya sana ang bangko na para sa kanya nang biglang pumunta na naman sya sa likod ko. Hindi ko alam, biglang lumakas na naman ang kabog ng dibdib ko. 

Nagpalinga linga ako sa likuran ko para malaman kung ano bang intensyon nyang gawin. 

Nagulat ako nang hinawakan nya ang magkabilang braso ko at pilit na pinaupo sa upuan na nakalaan para sa akin. 

"Bank? Why did you take me here?" tanong ko sa kanya. 

Medyo nahihiya ako habang nakatingin ako sa kanya. 

"Uhm, I just want to." sagot nya. 

Wow! So trip nya lang magset up ng ganito? Ang rangya ng trip nya ha. 

Wala eh ganun yata talaga mangtrip ang mapepera. 

"I just like you to relax from what's stressed you. You know, we need some time to breath peacefully." saad nya. 

Bigla nyang hinawakan ang chin ko at saka ako nginitian. Mabilis nya din tinanggal ang kamay nya kasing bilis ng tibok ng puso ko ngayon. 

Hindi ko alam kung titingin ba ako sa kanya o aastang parang isang pasal kumain dahil sa kilig na nararamdaman ko ngayon. 

Narinig ko ang malokong pagtawa nya. Anong i-eexpect nyo eh magkatapat lang naman kami sa iisang lamesita. Siguro kapag naman sinabing lamesita eh knowings na? Maliit lang talaga ang lamesita. 

*toot toot*

From: Mongchao

Elle, nasaan ka ngayon? Ayain sana kita sa Cafe Ezferanza. Sunduin kita mamayang 4 ha? 

 Napakunot ang noo ko. 

"Humh?" taka ko nang makita ko ang mensahe nya . 

"Is there anything wrong?" tanong ni Bank nang mapuna ako. 

Kinipit ko ang phone ko sa pagitan ng mga binti ko at saka tumingin sa kanya at saka umiling. 

"Is there something bothering you?" tanong ulit nito. 

"Umh! N-no. Nothing." utal kong sagot. 

Ang landi ko siguro kung sa isang araw dalawang lalaki ang kasama ko sa labas. 

Anong feeling ni Fer? Porque pogi sya magugustuhan ko na sya? 

Well, pwede din hahahahaha chaaaar! 

"Yeah. There is." puna ni Bank. 

He caught me off guard. Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang paningin ko. 

Ah! Alam ko na sa rose nalang. Charot! 

"Uhhhhhh, I think the guy that you always caught in front of my house is that Thai-lander that's always attending your fan meeting whenever he's in Thailand and giving me stuffs from there. He's my classmate in a few subjects."  Explain ko kay Bank habang kipit na kipit na ang mga kamay ko sa pagitan ng mga hita ko. 

SignosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon