"Naaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay!" Tili ko nang maabutan ko si nanay sa kusina naghahanda ng meryenda.
"Ano nangyari sayo?" tanong nito sa akin at humarap na sa tv.
"Teka, bakit ang aga mo." takang tanong ko.
Ngumiti sya ng nakakalokov. Ngumuso,tinaas ang kilay at dumikwatro.
"Syempre, alam mo naman ang nanay mo kapag nauwi ng maaga." mayabang nyang sagot.
"Weh? Kaya pala may paturon si Mayora!" sagot ko at ibinaba ang bag sa sofa saka kumuha ng turon.
"Bakit ka nga pala natili kanina?" tanong ni nanay.
"Hahaha, you wouldn't believe me nay!" sagot ko.
"Edi Sige!" sagot nito at inirapan pa ako.
Kumuha ako ng lemonade na freshly made ni Mayora na kakapromote lang sa kanyang trabaho.
Nanuod nalang kami ng TV dahil yun nga ayaw kong magkwento at ang dakila kong ina ay hindi mapilit. Kapag sinabi kong ayaw kong sabihin o magkwento ay ayaw ko talaga.
"Nay, akyat lang ako sa taas, magpapalit lang ako ng damit." paalam ko sa kanya.
Tumango naman ito habang busy sa pag nguya ng favorite nyang turon.
Umakyat ako sa kwarto ko at nagpalit na ng damit.
Nang makita ko ang poster ni Bank sa likod ng pinto ng kwarto ko ay "AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH" tili ko.
Hindi ko makalimutan ang nangyari kanina haha.
"Bank, why you do this to me?" tanong ko habang nakatingin sa picture nya.
Ang akala ko ay nasa Japan sya ngayon. Pero bakit andito sya?
Nagbrowse ako sa fb kung may update ba na nasa Japan sya.
Aba meron nga. Pano? May talent sya ng teleportation? What the heck Bank? What's happening?
Kinurot ko ang sarili ko at napapikit ako sa sakit.
Baka naman kamukha lang ni Bank ? Baka si Nonkul? Hahaha what am I thinking ? Baka nga nananaginip lang ako ng gising.
Tsk. Kung ano anong iniisip ko. Nakakainis. Sana kung daydream yun magkatotoo naman ng konti haha.
Baaaaaaaaaaaaaaaank bakit hindi ka magkatotoo? Hahaha
Nagbihis na ako ng damit pang bahay nang!!! "Giselle lumabas ka dyan sisirain ko itong pinto." tawag ng isang babaeng puno ng kalakasan ang boses .
"Saglit lang, nagbibihis ako Kristine ha!" sarkastikong usal ko.
Bwisit ano na naman kayang kailangan nitong babaeng ito.
Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Kristine na may malawak na ngiti.
Pumasok sya sa kwarrto ko at napanganga nang makita ang picture ni Bank.
"What the fuck Giselle ?" sigaw ni Kristine na gulat nang makita ang kwarto ko dahil puno ito ng Standee na Bank.
Binigyan ko sya ng "ANO" look.
BINABASA MO ANG
Signos
Fanfiction"Sabi ko naman sayo Giselle, magbigay ka ng signs para makita na natin yang si Mr. Right mo, college ka na pero anyare besh? NBSB pareeeeen?" Bwisit talaga yang si Kristine. Hindi naman kasi ako choosy, kung sinong dumating sya na yun, kaso walang d...