Wow, himala.
Isang linggo na nila akong hindi kinukulit. Hindi na sila pumupunta sa bahay. Tapos na ang portrait ni Oab pero nagtataka ako kung bakit hindi na nya kinuha.
Well, baka naman naka-uwi na sa Thailand.
Hala! Weh! Totoo kaya?
Baka nga.
Well, wala ako sa posisyon para sabihan nila ng paalam.
I'm just a fan.
"Bes? Ano na itong signs mo, parang wala ka namang kinocross-out kahit isa eh." Puna ni Kristine sa kapirasong papel na hawak nya habang nasa ground kami ng campus at matiwasay na nakain ng burger.
Kumagat ako sa pagkain bago ko sya nilingon. "Ano na naman bang pakialam mo eh sa wala pang nahahanap eh." Mataray kong sambit habang namumualan sa kinakain.
Inirapan nya lang ako at kumagat na din sa burger nya.
Psh, pakealamera. Sabagay kung hindi din pakealamera itong si Kristine eh malungkot ang buhay ko.
"Huhuhu, miss ko na si Oab, alam mo ba kung bakit hindi na sila pumupunta sa inyo?" maarteng tanong sa akin ni Kristine. Ang lande.
"Hindi, bakit ba?" tanong ko pabalik.
"Hindi ko nga alam kung bakit kaya itinatanong ko sayo, tapos feeling mo may alam ako? Ni hindi nga kami close ni Oab eh." angil na sagot nya.
Hindi ko na lang sya inintindi at ipinagpatuloy ang pagkain ng aking burger.
Ayaw ko nang makigulo sa gulong pinasok nung dalawa.
Si nanay nga nagtataka na din kung bakit daw hindi na napunta si Oab at Bank sa bahay. Eh natural, they're just giving back the favor, at kung tapos na edi, uwian na sa Mars.
Magtataka pa sila kung bakit ganun ang inasta ng dalawa, syempre ano! Adik po ako kay Bank at ayaw nilang madisappoint ako sa ugaling ipapakita nila sa akin dahil kung ganun eh, aayawan ko sya.
Ganun naman diba? Kahit na sabihin na wag munang manghusga. Hello! Ganyan talaga ang showbiz. What more do we expect?
"Bes? Anong iniisip mo?" puna sa akin ni Kristine.
"Wala naman, iniisip ko lang kung ibibigay ko ba sayo yung portrait na ginawa ko." Palusot ko.
Nanlaki naman ang mga mata nya.
"Hala! Sinong pinortrait mo?" Tanong nya at bakas sa mukha nya ang pagiging excited.
"Si Oab" Matamlay kong sagot.
"Whaaaaaat? Where is it? Give me that!" malakas na sigaw nya.
"Ano ba, please calm down. I'll give it to you, later. Seems like Oab's not going to get it." sagot ko na ikinakalma ni Kristine atsaka tumango tango.
San na kaya si Bank? Kamusta na kaya yun ngayon ?
Psh! Hayaan ko na lang sya. Ayaw kong mag-expect sa kanya. Aasa na naman ako na magugustuhan nya ako ?
Ano kayang ginagawa nya?
Heheh kakasabi ko lang na hayaan na. Ito talagang utak kong ito.
"Tine,san si Jude? Bakit parang hindi ko napapansin." puna ko.
"Ewan ko nga dun eh, hindi na nagpaparamdam, kesyo busy daw sa training at kasali pa sa streetdancing." sagot ni Kristine.
"Pagdudahan mo naman si Jude." pang uuyat ko.
"Gaga, walang magagawa ang pagdududa." sagot nya.
Wow, strong noh?
"Oh hello? Busy ka ngayon diba? Buti naalala mo pa girlfriend mo?" mataray na sinagot ni Kristine ang phone nya.
BINABASA MO ANG
Signos
Fanfiction"Sabi ko naman sayo Giselle, magbigay ka ng signs para makita na natin yang si Mr. Right mo, college ka na pero anyare besh? NBSB pareeeeen?" Bwisit talaga yang si Kristine. Hindi naman kasi ako choosy, kung sinong dumating sya na yun, kaso walang d...