Chapter 15

12 0 0
                                    

"Uy bes. Hanuna? Ilang days kayo ni Mr. Right but left doon sa Thailand?" tanong ni Kristine sa akin habang nakakunot ang noo at nakanguso.

Napatawa naman ako sa inasta nya.

"Ano ka ba one month lang." sagot ko.

Inirapan naman ako nito babaeng ito atsaka yumakap sa bisig ni Jude.

"Edi hopefull ka? Ediwow ka talaga bes. Hopeless ang love story nyo na sa wattpad lang pwedeng magkatotoo." natatawang sambit ni Tine sa akin. " Kung kay Mr. Right but left ka nalang, wala nang hopeless hopeless." dagdag nya.

Inismiran ko naman sya sa sinabi nya at saka tumingin kay nanay.

Ayun nagbabasa na naman ng libro. Ano kayang trip talaga ni Linda Aguilar at lately talagang tutok sa pagbabasa. Pagihahatid nya ako sa school at papasok sya sa trabaho nya ay dala nya ang libro na binabasa nya.

"Hay nako. Alam mo, nung umamin si Fer hindi ko na pinansin ang nararamdaman nya para sa akin at that time, I'm so broke. I just want somebody to comfort me. Nung time na yun. Nandun si Fer." kwento ko.

"Pano ba kasi nangyari?" tanong ni Tine sa akin.

Flashback
"Giselle, we'll come back! I promise." tanging text ni OAB sa akin. Si Oab pa talaga samantalang may number naman ako kay Bank.

Hindi ko alam ang gagawin ko that time.

Hindi ako pumasok nung araw na yun nagmukmok lang ako sa kwarto ko.

I'm hoping he may leave me some text message or letter but I received nothing.

7 pm. Pumunta ako sa clubhouse ng subdivision namin. Gusto ko magpahangin at magsenti.

Ang tagal tagal ko dun na nakatulala.

"Hoy! Baka mapanis na laway mo dyan." sabi ng isang pamilyar na boses ng lalaki.

Nilingon ko ito. Si Fer nga. Pamilyar talaga.

Nginitian ko sya at hinayaan ko syang makaupo sa kalapit ko.

"Anong iniisip mo?" Tanong nya sa akin.

"Uhm. Fer nagmahal ka na ba?" dinig ko ang pagbuntong hininga nya.

"I like someone." sagot nya sa akin at saka ngumiti.

"Weh? Hahaha akalain mo yun. Akala  ko wala ka nang magugustuhan hahaha charot lang." pagbibiro ko na halos malamya pa rin ang tono.

"Bakit? May nagugustuhan ka na rin ba? O baka crush mo ako kaya ganyan ka kalamya nung nalaman mo na may gusto na ako." sambit nya kasama ang mapagbirong tono.

"Shut up! Hahaha!" pagbibiro ko kahit malamya pa rin ang tono ko.

"Pano kung ikaw ang gusto ko anong gagawin mo?" tanong nya sa akin at biglang sumeryoso ang tono ng pananalita nya.

"Hoy wag ka nga broken ako ngayon anu ka ba hahaha." malamyang sagot ko.

"Hahah ganun ba? Pero gusto kita Giselle." pagsinghap nya. "May pag-asa bang magustuhan mo din ako?" seryosong tanong nya.

Hindi ako umimik at imbes ay sumandal nalang ako sa dibdib nya.

"Alam mo ba ang hirap hirap palang magmahal." sambit ko.

SignosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon