Sawatdee! 🙏
Salamat po sa mga nagbabasa. 😘 Hindi ko akalain na may iba pang magbabasa ng mga story ko bukod kay Giselle na adik na adik kay Bank. And yes, that's the reason why I named the lead Giselle.Tama na hanash.
*****
"These past few weeks,matamlay ka bes." Puna sa akin ni Tine habang nasa gym kami ng campus."It's been a month,please, get back to the cheerful and foolish Giselle." sambit nya.Wala akong sinagot sya kanya. I don't feel like arguing with this stubborn creature. Ang taray taray nya. Lagi nya nalang akong tinatarayan kapag nakatulala ako at alam nya na si Bank ang iniisip ko.
Isang bwan na nang umalis sila ni Oab, hindi namin sila inihatid. Ayaw daw nila ng drama.
Ang aarte nila. For all I know is hindi kami ganun ka-importante sa buhay nila. Isa lang kaming maswerteng tao na naka-encounter sila. And they don't have a choice because they don't know how to survive here kaya kumakapit sila sa amin.
"Elle!" rinig kong sigaw ng malaking boses.
"Fer!" Sigaw ko mimicking how the tone he put on calling my name.
(Iba na sa english bes)
Nahulasan naman ako sa presensya ni Fer. Lately, Fer became my best of friend too. Lagi nya kaming sinasamahan ni Tine sa mga gimick namin. Gimik na hindi naman masaya. Bwiset!
Pero, thankfull ako kay Fer. Kasi andyan sya lagi sa tabi ko para itakas ako sa mundo ng mga malalandi. Kapag napapansin nya na na-iilang ako sa mundong meron si Kristine at Jude ay agad nya akong niyayaya na kumain or something that can take me away from that environment.
"Ano bang pinag-iisip mo Elle? Andito kaming mga kaibigan mo. Handa kaming dumamay sayo." puna ni Fer sa matamlay kong awrahan.
Inihilig ko ang ulo ko sa balikat ni Fer and still looking nowhere.
"Thanks Fer andyan ka lagi sa tabi ko. Ang taray taray naman kasi nyang bruha na yan. Parang hindi pwedeng umintindi." matamlay kong sabi.
"Nako ha Elle. Tigil tigilan mo ako sa pagiging bias mo saming dalawa ni Fer. If I know, jinojowa mo na yang Thai-lander na yan." sarkastikong sambit nito.
Ay wow!
"Edi wow!" pang-uuyat ko.
Hindi naman na nakipagtalo muli si Tine. Alam kong pagod na sya umintindi. Pero eto pa rin sya. Pinipilit na umintindi kahit hindi na nya kaya at pilit ipinaiintindi sa akin ang realidad.
Kudos to that bothersome.
Pero kahit pilit ipamukha sa akin ni Tine na the end na ng istorya ay patuloy pa rin akong umaasa.
Siguro nga may mga taong makakasalubong mo lang at makakakwentuhan. Hindi din naman sya pwedeng hindi na umuwi. Kaya wala kang magagawa back to real life. Kung mag-isa kang isinilang. Kailangan mo ng mga taong aagapay sayo sa kalungkutan bilang mag-isa. Kaso nga. Lahat sila hindi nagsestay. Yung iba mabilis na nagsasawa sa kakaintindi sayo. Yung iba, napagtyatyagaan ka pero malapit na rin palang sumuko. Yung iba naman, aalis, tapos babalik din. Yung iba umaalis pero di na bumabalik. May mga bagong darating para iwan ulit tayo. Ganun ang prinsipyo sa mundo. Si God nalang ang hindi nagbebetray sayo kahit anong pagtalikod mo sa kanya. Pagharap mo andyan pa rin sya. He never loses patience. Pero God created us not perfect. Hindi ko hinihingi kay God na may dumating sa buhay ko na perpektong tao. Pero gusto ko yung taong sobrang haba ng pasensya and there he give me the three idiots. Tine,Fer and Jude. Hindi man nagstay sa buhay ko ang mga taong gusto kong magstay. Andyan naman sila at willing na ibahin ang prinsipyo ko. Yung taong akala ko sobrang iksi ng pasensya. Sya pa yung sobrang tinitiis kung gaano ako kaarte. Si Tine. Ang taray taray kapag nagmumukmok ako. Si Tine na 'sobrang tagal ha'. Si Fer na 'What took you so long?'. Si Jude na, bitteranong palaka sa pagngiti kapag inaantay nila akong tatlo. Jusko. Ang plastic ni Jude noh? Joke lang hahaha. Minsan nga nasesermonan na nya ako eh. Silang tatlo na akala mo nawawalan ng pasensya. Sila pala yung tunay na hinahabaan ang pasensya para intindihin ako. Sila pala yung hinihingi ko kay God na kayang tiisin ang kaartehan ko at kadramahan ng buong buhay ko.
BINABASA MO ANG
Signos
Fanfiction"Sabi ko naman sayo Giselle, magbigay ka ng signs para makita na natin yang si Mr. Right mo, college ka na pero anyare besh? NBSB pareeeeen?" Bwisit talaga yang si Kristine. Hindi naman kasi ako choosy, kung sinong dumating sya na yun, kaso walang d...