"Kristine bilisan mo naman pupunta pa ako kay tatay." sigaw ko kay Kristine.
Napakabagal kasi, at ayaw ko sa lahat yung mabagal. Maigsi ang pasensya ko. Kaya nga hindi ako nag-educ eh, baka kahit bata mapatulan ko kapag nagkulit.
Tapos na ang klase namin ngayon ang boring ng schedule ko. At ito namang si Kristine as usual,magpapasama lang sa paglalakad palabas o kaya naman ay may date na naman silang dalawa ng civil engineering nyang boyfriend. Pag-nakapasa itong dalawa at nagkaroon ng magandang trabaho, may mauutangan na ako.
Mechanical Engineering ang kinukuha ni Kristine. Ako? Hahaha Architecture. Mahilig lang ako magsketch. Mahilig akong magdrawing. Kaya nga minsan naiisip ko na bagay kami ni Pong sa May Nai Fai Rang Frer eh, mahilig kaming gumawa ng komiks at magdrawing.
Oo nagawa din ako minsan ng komiks kapag nabuburyong ak. Pero hindi ko na ata kaya ngayon dahil college na ako.
Lumabas na din si Kristine sa wakas .
Inirapan ko sya at niyugyog nya naman ang braso ko. Kinunotan ko naman sya ng noo kaya naman itinigil na nya iyon.
"Darleng!" Tawag ni Jude kay Kristine. Otomatikong napangiti at namula ang mukha ni Kristine nang marinig nya ang tawag sa kanya ng boyfriend. Psh! Mga malalandi talaga.
"Ang lalandiiii." usal ko.
Nginitian naman ako ni Jude. Napansin kong may pagkakahawig si Rapmonster ng BTS at si Jude dahil parehas sila ng dimple at kaparehas naman ng ngipin ni Bank ang ngipin nya.
"Waaaaah, Jude kangipin mo si Bank!" sigaw ko.
Hinawakan naman ako sa balikat ni Kristine at itinulak. "Bes, anyare na? Maiinlove ka na sa ngipin ng boyfriend ko?" tanong nya na may seryosong tono at masamang tingin.
"Hays, tara na nga darleng, kung ano ano na nakikita ni Giselle sa mukha ko." sumbat ni Jude.
Napasimangot naman ako. Totoo naman eh, kangipin nya talaga si Bank. Iniwan ako ng dalawa at kumaway naman na sila sa akin. Ganun din ang ginawa ko at nagpatuloy na naglakad.
Psh. Mga hitaaad!
Naglakad na lang ako patungo sa sementeryo kung saan nakahimlay si Tatay.
"Tay, kamusta?" Bati ko kahit alam kong hindi na sya sasagot. "Gumawa ako ng mga signs para sa magiging jowa ko daw sabi ni Kristine, tanda mo pa ba sya? Yung batang sobrang kulit na mahilig sa color yellow?" natatawa kong sambit. "Hahaha, hanggang ngayon ang kulit pa rin nya. Sya nga ang nagpumilit sa akin ng mag gawa ng ganitong mga churvaness." kwento ko.
Pinagpagpag ko ulit ang damohan na kinuupuan ko at saka humiga. Ginawa ko ulit unan ang bag ko at pinagmasdan muli ang nag-gagandahan ulap.
Naalala ko na naman ang pagkakagising hindi ko alam kung si Bank ba o kamukha lang ni Bank. Hehehe. Napangiti naman ako nang maalala ko ang nangyari noong isang araw.
Pogi nya, sana kung kamukha sya ni Bank sakin na lang sya.
Hindi ko mawari ang nararamdaman ko ngayon. Ipinikit ko ang mata ko at umaasang baka may gumising ulit na lalaking naka-all black sa akin.
Yung bigla na lang akong hihigitin at mangungulit na tulungan ko sya at tanggalin ang mask at ipapakita ang mukha nyang katulad sa lalaking iniidolo ko ng husto.
Hays, pero once in a lifetime lang yung pagkakataon na iyon. Yon ang alam ko,kasi yun naman ang nararanasan ko madalas eh.
Haynako Giselle ayan ka naman sa pag-iisip mo ng husto.
"Tay! Hindi naman sa nagiging tanga ano? Tanga po ba talaga ang magmahal ng isang taong alam mong imposibleng mong maabot?" tanong ko.
"Oo nga tanga nga." sagot ko din sa aking sarili.
BINABASA MO ANG
Signos
Fanfiction"Sabi ko naman sayo Giselle, magbigay ka ng signs para makita na natin yang si Mr. Right mo, college ka na pero anyare besh? NBSB pareeeeen?" Bwisit talaga yang si Kristine. Hindi naman kasi ako choosy, kung sinong dumating sya na yun, kaso walang d...