Nakapila kami ngayon sa pilahan ng jeep para makauwi na. Mahaba ang pila at medyo mabagal ang pagbalik ng jeep pero wala pa din kaming imikan dalawa. Tinignan ko si Kyros bago ang kamay namin na magkahawak babang bitbit niya ang walong supot na naglalaman na pinamili kanina habang ako naman, isang supot na gulay lang ang dala ko.
Lumingon ako kung saan may kainan banda namin. Nakita kong nagsiupuan ang mga tao dito at ang tindera naman 'ay naglalagay lang sa bowl na hawak niya bago ito nilapag sa lamesa kung nasaan ang mga nakaupo. Nakita ko din na may iba't iba pang vendor sa harapan.
Napahawak ako sa aking tyan dahil naramdaman kong sumasakit ito.
Lumingon ako kay Kyros na nahuli kong nakatingin sa'kin.
"Nagugutom ka ba?" Tanong niya pinutol na ang katahimikan na namamagitan sa amin.
"H-Hindi naman!" I immediately said. My face heated before I looked away.
Ilang minuto nakalipas naramdam ko ng umurong ang pila pero kaagad akong napasinghap dahil biglaan niya akong hinila.
"Kain na muna tayo bago umuwi." Mahing sambit nito at umupo na kami sa kainan. Napakurap ako dahil biglang lumingon ang katabi ko na lalake kaya naiilang akong umiwas bago tumingin sa babae na papalapit.
"Ano order nila?"
"Dalawang lugaw na may tokwa't baboy, te." Narinig ko sabi ni Kyros bago naglabas ng pera at tumingin siya sa'kin na may kislap sa mata. "Padagdag na din ng isang halo-halo."
Tumango ang tindera.
Ngumuso ako. Wala kaming imik habang nag aantay sa order kaya mas lalo ako nailang dahil ang mga ibang tao na katabi namin sa gilid 'ay halos panay ang lingon hanggang sa dumating na ang pagkain.
Kumuha si Kyros ng kutsara bago niya inabot sakin.
"T-Thank you."
Unang subo bigla akong nagulat dahil sa sobrang sarap. My Mom always cooks lugaw but I didn't know that this is so delicious, especially the halo-halo.
"Masarap ba?" He asked. I slowly looked at him and nodded while smiling then a hint of emotion flickered through his eyes before smirking and that gave a butterfly to my stomach.
Tinignan ko ang kainan niya at mukhang malapit na siya matapos samantalang ang lugaw pa lang nauubos ko at ang halo-halo na binili niya sa'kin 'ay mukang malabo ko ng maubos.
"Kyros..." I called him. Lumingon siya habang umiinom kaya nahihiya akong yumuko para sana bumulong. "Hindi ko na yata mauubos. Busog na ako." Sabi ko bago nag aalalang tumingin sa pagkain.
"Akin na." Kinuha niya 'to bago ang kutsara na pinaggamitan ko at halos malaglag ang aking panga nang walang alinlangan niya itong sinubo.
Hindi ko na yata kaya ang nangyayari ngayon. Kanina hinalikan niya ako ngayon naman indirect kiss. Namula ako habang pinapanood siya matapos kumain kaya nang makaalis na kami sa kinainan, para akong nahihilo sa nararamdaman dahil hinawakan niya muli ang aking kamay.
Awkward.
Ayan mismo ang nararamdaman ko ngayong kakauwe lang namin galing palengke. Namamasa ang mga kamay ko dahil ang kaninang malakas na tibog kong puso 'ay halos lumala pa ng narinig ko ang tunog ng kanyang susi para buksan ang pintuan. Naririnig ko pa ang boses ni Maja sa tapat ng apartment na siguro'y pinag sasabihan ang kapatid na si Jen sa kanilang bahay 'ay rinig na rinig namin.
Tumingin siya as aking gawi at kaagad na nag tama ang mata namin kaya agaran ang pag iwas ko bago naunang pumasok sa loob. Naamoy ko pa ang sariwa niyang pabango. Buti at hindi ako bumalentong dahil sa kaba na nararamdaman alam ko din 'ay ramdam na ramdam ko pa ang mainit niyang titig saakin nang linapag ko ang hawak na supot sa lamesa.