Hindi ko alam kung ilang oras o minuto na kami naglalakad pero ramdam ko pa din ang init ng isang estranghero na bumubuhat sa akin. I was too weak to even feel something and I could still feel those disgusting men touching my skin. Bigla ako napaluha nang maalala nanaman ulit 'yon never in my life I experienced that kind of humiliation.
I always act tough but look at what they've done I can't even defend myself. I'm so useless in everything I feel so weak and worthless... maybe that's why Daddy wants me so badly to marry someone for the sake of his business because I'm only good with that.
Nanggilid ang mga luha ko nang napagtanto kung gaano ako kahina
Wala ng iba.
Kung walang nagligtas saakin, baka kung ano na ang gawin nila.
"Uy! Nakabalik na siya!"
"Kuya ano yang dala mo ba't anlake?" I heard someone ask. It must be a kid that spoke but the stranger didn't even answer him as he kept walking. Unti unti ako sumilip para sana makita ang muka niya pero kaagad siyang nagsalita na ikinatigil ko.
"Don't move."
I did what he said. His deep whisper lingers in my mind. Hindi ko alam kung bakit grabe ang kaba ko pero sobrang payapa ng pakiramdam ko. Madami akong naririnig na tao, maingay at parang nagiinuman sa labas hanggang sa naramdaman kong lumiko kame at naging tahimik ang lugar.
"Who are you?" I asked in a weak voice. As I expected, he didn't answer me. "A-Are you gonna kidnap me?"
Wala pa din ako nakukuhang sagot sakanya. Nanahimik nalang ako at mas niyakap ang jacket na nakabalot saakin para maamoy ang sariwang pabango.
Nakarinig ako ng boses nang isang babae bago ko naramdaman na dahan dahan akong ibinaba I whimpered in pain because of my wound. Nakita kong natuyo na ang dugo sa aking balat bago ko naramdaman ang pagkatigil ng lalake. Hindi ko din nakita ang kabuuan ng kanyang muka dahil bigla siyang tumalikod at may kinausap na.
Dahil sa sobrang sakit ng paa ko at dala na din ng matinding pagkahilo, pinilig ko ang aking ulo sa dingding na puro gasgas na ang kulay. Nauuhaw ako. Pero wala ako ibang magawa kundi mapatitig sa kawalan nakita ko na nasa maliit kaming bahay pero andito ako malapit sa gate na itim nakaupo sa kahoy na pahabang upuan. Pansin ko din na nasa isa kaming iskinita at nasa gilid itong bahay kaya hindi ako kita ng mga taong dumadaan dahil tago ako sa dilim.
Lumingon ako kung nasaan ang lalake nguni't ang babae lang natanaw ko dahil sa maliit na bukas ng pinto.
"Ibigay mo nalang siya sakin, magagamit ko siya." I heard the other woman say.
Naririnig ko din ang ingay ng tv sa loob at ang mahinang boses na naguusap hanggang sa nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto, revealing a middle age woman.
She was holding a cigarette while blowing a smoke. "Taga saan ka?" She asked me, obviously unconcerned.
"P-Pasig," I said in a strained voice. Pinasadahan niya ako ng tingin bago siya bumuga ulit ng usok.
"Sobrang layo mo para mapadpad ka dito." Sabi niya bago ko siya nakitang tinapon ang sigarilyo malapit sa paahan ko kaya bigla ako napaiwas. "Merlin!" Sigaw niya sa babae na kanina pa pala nasa likod nito. "Gamutin mo ang sugat niya." At tumalikod na bago pumasok sa loob.
Mahigpit akong napakapit sa jacket dahil sa pagkailang at takot. Hindi pamilyar sakin ang amoy ng sigarilyo pero hindi ko maiwasan maubo.
"Pasensya kana kay nanay, halika sa loob gamutin natin ang sugat mo." Sabi niya bago ako hinawakan sa balikat kaya natapik ko ang kanyang kamay. I don't know why I am so scared right now. Hindi ko alam kung nasaan ako pero parang gusto ko nalang bumalik kila Mommy at Daddy. But I know that will never happen.