I've been terrified of losing people my entire life. A friend or my family but I was never afraid of losing myself. Hindi ako natatakot kung wala nang matira para sa sarili ko basta mag stay lang ang mga tao para sa'kin.
Naalala ko kung gaano ka-stress sa akin si mommy dahil sa ugali ko habang si Dad naman 'ay palagi akong iniispoiled sa lahat. Palagi akong umaakto na matapang, kahit hindi ko kayang ipaglaban ang sarili ko at palagi din ako gumagawa ng mga pag kakamali sa buhay kaya palagi ako napupunta sa kapahamakan.
Madilim.
Ayun ang una kong naramdaman dahil hindi ko mabukas ang mga mata ko.
Natatanaw ko si mommy na kumakaway sa'kin habang si Daddy 'ay parang nag sasalita pero wala akong marinig.
"M-Mommy?" I whispered. Unti unti akong lumapit sakanila at yumakap ng mahigpit. "Miss na miss ko na po kayo ni Daddy..." Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako hanggang sa may tinuro sila sakin.
Maliwanag ito at parang ilaw. Nang lumingon ako kung nasaan ang mga magulang ko, wala na sila doon. Puro dilim nalang ang nakikita ko hanggang sa naglakad ako papunta sa liwanag. May naririnig ako na may tumatawag sa pangalan ko nguni't nawawala wala din ito.
"Siri..."
Hindi ako tumigil. Tumakbo na ako para maabot ang liwanag.
"Siri... H'wag kang mawawala sakin."
Para akong kinakapos ng hininga nguni't hindi ako tumigil kahit may humihila sa'kin sa dilim. I run as fast as I can until I finally reach that light.
Wala ako sa tamang pag iisip ng hindi ko magalaw ang aking katawan. I heard so many voices, but that wasn't enough for me to open my eyes. I felt pain. Parang linulukob ng kirot ang buong katawan ko pero iisang boses lang na natatangi ko'ng narinig, dahilan para unti unting bumukas ang aking mga mata.
"...I'm sorry, wala akong magagawa hangga't hindi pa siya nagigising. For now, we should wait for her to wake up..."
"Wait? Are you fucking kidding me?" His voice thundered.
"Kian." Boses iyon ni Blake na mukhang inaawat si Kyros sa pag sigaw.
Hindi ko alam kung ano ba ang mas uunahin while slowly, I blinked a couple of times as I saw the white ceilings. Medyo malabo pa din ang mga mata ko pero kitang kita ko ang likod ni Kyros. Mariin na nakakuyom ang kanyang kamay habang naka kapit sa side rail. Nalilito man, pinilit kong iginalaw ang aking kamay na mayroong nakasasak na dextrose. Napangiwi ako sa sakit dahilan sa biglaang pag tahimik.
Mabilis pa sa oras ang pag lapit ni Kyros sa akin. Nag iba ang kanyang itsura. Parang ilang araw siyang hindi natulog.
I can see his dark tangled hair and burning cold eyes, that were slowly replaced with emotions I don't recognize.
"Gising ka na." Nanginginig ang kanyang boses. Tila hindi makapaniwala sa isang magandang nangyari sakanyang buhay. Nakita ko ang pag kislap ng mata niya.
Nagtagis ang aking ngipin dahil sa biglaang pag kirot. Agad na lumapit ang doctor, kasunod nito si Zane at Blake
"You shouldn't move a muscle. Posibleng bumuka ang sugat na tinahi sayo," Pag aalala na sabi sakin ni Blake.
"W-what.. what happened?" Tanong ko, pilit na makapag salita.
Bumaling si Kyros sa dalawa bago unti unting tumango na parang may pinag usapan bago bumaling saakin.
"Labas muna kami, Siri. You should rest more. Nasa labas sila Lola Eva at ang mag kakapatid kaya kayo muna ang mag usap ni Kian." Sabi sakin ni Blake bago unti unting ngumiti at tuluyang ng lumabas.