"Siri, anak. Sukatin mo ito kung kasya sayo." Sabi ni Lola Eva habang inaabot saakin ang isang puting bestida.
"Salamat po..."
Ngumiti siya sakin bago nag paalam na lalabas na para mag handa ng kakainin mamaya. Maliit lang ang bahay nila, mas maliit sa apartment ni Kyros. Nakakapagtaka na kahit maliit 'ay nag kakasya pa din sila dito. Si Lola na mismo ang nag sabi na apo niya ang tatlong magkapatid na sila Neo, Charlie at Cathy simula nung mamatay ang mama nila. Marami kaming napag kwentuhan ng hinahanapan niya ako ng damit dahil sabi ni Kyros, dito na kami mag papalipas ng gabi at mag i-istay ng ilang araw.
Dito sa kwarto, kahoy lang ang pintuan at mayroong maliit na bintana sa taas ng papag kung saan ako matutulog. Hindi ko din alam kung saan si Kyros dahil pinag bilin kami ni Lola na wag mag tatabi ng higaan.
Sariwa pa din talaga ang nangyare saamin doon sa rooftop. Everything is still surreal to me lalo na sa lumang kubo kung saan may nangyare saamin. At sa lahat lahat. My breathing starts to get heavier! halos namumula ako sa aking iniisip. Hindi lang iyon mapuputol ng narining ang munting sigaw ni Cathy, siguro'y nag aaway silang mag kakapatid sa baba.
Get grief to yourself!
Nang maisuot ko ang bestida, medyo maluwag ito sa balikat dahil off shoulder bago ko ito tuluyang binaba. It fits well on my small body.
"Ate Siri, kakain na po!" Bungad saakin ni Cathy na gulo gulo na ang buhok. Kasunod naman niya si Neo na nakangusong namumulang nakatingin sakin.
Matamis akong ngumiti bago tumango.
Habang kumakain hindi ko inaasahan na maingay dahil sa patuloy na kwentuhan nila Lola Eva at si Kyros na nanatiling nakatabi saakin. Maingay nguni't nakaramdam ako ng saya. Hindi sa ikinukumpara pero saamin kasi nila Mommy at Daddy, tahimik lang kaming kumakain. Hindi gaya dito kulang nalang 'ay mapunit na ang aking labi dahil sa kakangiti habang nag k-kwento si Lola Eva.
"Naku! Alam mo ba yang batang yan," Turo niya kay Kyros na nakangiwi. "Dati, nung bata yan. Halos laging napapaaway dahil sa katigasan ng ulo!"
"La." Saway ni Kyros bago bumaling saakin na nakatagis ang ngipin pero kaagad din umiwas.
Natawa nalang ako bago namin pinag patuloy ang pagkain. Nang natapos tinulungan kong mag hugas si Lola. Si Kyros naman nahuhuli ko ang paglingon sakin habang linalaro niya ang mga bata. Pinaakyat na ako ni Lola at sabi siya nalang ang bahala sa ibang hugasin. Gusto ko man mag protesta, wala na akong magawa kundi sundin ang kanyang sinasabe. Kaonti nalang naman na ang hugasin at halos ako na daw ang naghugas lahat.
I giggled. I don't mind Lola...
I don't know much about cleaning the house, although mommy did teach me a few things. Palagi kasi akong babad sa paglalaro at sa ibang bagay pero hindi ko kailanman pinabayaan ang pag aaral ko. May panagarap din ako. Gusto ko makapag tayo ng sariling negosyo hindi man katulad ni Daddy pero gusto ko galing sa pinaghirapan ko, ayun ang turo sa akin ni Mommy.
Bigla kong naalala ang dalawa kong kaibigan na si Thalia at Helen. Kamusta na kaya sila? Nag aalala din kaya sila gaya ng pag aalala saakin ng maagulang ko?
"Pangit sa isang magandang babae ang parating nakasimangot."
Nagulat ako ng biglang nagsalita si Lola Eva sa aking likod.
"P-Pasensya na po. May iniisip lang po ako."
Tumawa siya ng mahina bago ito may kinuha sa drawer ng tahian niya. Nakita ko din ang isang malaking box na kulay brown bago niya ako hinawakan sa braso at hinila papunta malapit sa bintana. Tumingin ako sa labas at natanaw ko ang ilog sa malayo pati na din ang mga bahay sa baba na magkakadikit ngayon ko lang din napagtanto na pareho lang ang lugar nila Lola Eva sa lugar ni Kyros yun nga lang 'ay mas madaming nakatira dito at pag lalabas ka pa lang sa bahay, may mga dumadaan na.