This location in Legazpi City was the most exciting and beautiful place we've ever visited.
Nakangiti akong nakatingin kay Kyros na hawak ang kamay ko. Kasama namin sila Lola Eva, Cathy, Neo at Charlie habang si Manong Jerr, ang kaibigan ni Lola 'ay nag baantay sa truck kung saan kami hinatid sa pupuntahan namin.
"La, bili niyo po ako nung taho!" Turo ni Cathy sa isang lalaki na nag titinda.
Maraming tao ang nakakasalubong at nakakasabay namin. Sa bawat tingin ko sa paligid ay puro may tinitinda ito ng kung ano ano pa.
"Ineng, bili ka dito!" Tumingin ako sa isang tindera na biglang sumalubong saakin. Tinignan ko muna si Kyros na kausap sila Neo bago kunot noo akong pumunta sa babae.
"Ano po 'yan?" Tanong ko.
May kinuha ito sa isang brown na basket kaya agad na nanlaki ang mata ko.
"Pearls po ma'am. Mayroon dim kwintas, bracelet at singsing kaya pwedeng pwede kayong mamili d'yan. Magaganda po 'yan."
Tignignan ko ang bawat perlas na nakakalat sa isang box. Hindi ko inaasahan na nag titinda pala sila ng ganito kung gayo'y ngayon lamang ako nakakita nito. Mom used to buy me some accessories, na gawa sa isang mamahaling bagay. Hindi niya ako pinapasuot ng isang mumurahin. But these pearls... It's really pretty as if I was mesmerized. Nakuha ng atensyon ko ang isang singsing kaya nakaawang ang bibig ko ng kinuha ko 'to.
The shell ring was very beautiful. It has a curved shell like a sunflower. Mukhang kinayod ito ng maingat dahil sa sobrang ganda.
"Gawa ho namin yan ng asawa ko," Biglang nag salita ang tindera kaya napatingin ako sakanya.
"Y-you made all of these?" Manghang sabi ko.
"Oo ma'am. Hindi lang ako makapaniwala na mahahanap mo yan dahil ayan na siguro ang napaka hirap na ginawa namin habang nag hahanap pa ng ibang magagandang shell sa dagat para sa disenyo."
Binalik ko ang tingin sa singsing, tila hindi natatanggal ang pagkamangha.
"Wow! It's beautiful." Manghang sabi ko bago napakagat sa labi. "Magkano po?"
"Dalawang daan nalang ma'am." Sabi niya.
Napasimangot ako. Naalala ko nga pa lang wala akong pera ni isa. Ayoko naman na humingi kay Kyros dahil alam kong magiging abala din naman ako para sa sariling kagustuhan kahit pa maganda itong singsing.
Hilaw akong napangiti. "S-salamat nalang po..."
"Siri..." Narinig ko ang boses ni Kyros kaya agad agad kong binitawan ang singsing.
Hindi ko man lang namalayan na nasa tabi ko na pala siya.
"Ano yang tinitignan mo?" Tanong niya.
"N-nothing I was just looking." Biglaang sagot ko sakanya.
Tumingin siya sa paninda ng tindera bago bumagsak ang kanyang tingin sa singsing na hawak ko kanina bago ulit saakin. Kaya nang mag sasalita pa sana siya 'ay narinig ko ang tawag saakin ni Lola Eva.
"Siri, anak, halika dito!"
Nag papasalamat ako kay Lola bago napatingin kay Kyros. His dark eyes were staring back at me. Tila may nakita akong kakaibang kislap sakanya mata bago siya nag salita.
"Sige na, susunod nalang ako." Bulong niyo at pinisil ang aking kamay.
"A-are you sure?"
Tumango siya bago ako hinalikan sa noo.
Nagbuntong hininga nalang ako bago ulit bumaling sa singsing at sa huli, tuluyan na akong naglakad papunta kila Lola Eva.
Kawa-kawa Hills Ligao Albay.