Pilit ko'ng pinapakalma ang aking sarili ng unti unting bumuhos ang luha ko sa panibagong pakiramdam. Gabing gabi na nang makarating kami. Liningon ko si Mommy na pagod ako'ng nginitian habang patuloy siya sa pagkalma sa akin. Sobrang tahimik din ng biyahe nguni't ramdam na ramdam ko pa ang galit ni Dad.
Nakita kong sumilip ang guardya bago kami tuluyang pinapasok sa subdivision.
Huminto na ang sasakyan. Tanaw ko mula sa bintana ang bahay namin kaya ng mag sasalita pa sana'y napasinghap ako ng bumaba kaagad si Daddy, hindi man lang kami linilingon.
"Siri, let's go." Tawag sakin ni mommy kaya wala akong ginawa kundi mag paubaya.
Mariin kong hinawakan ang bupanda na nakabalot saaking balikat ng maabutang may katawag doon si Dad. Halata ang galit doon. Ayoko ng mag salita dahil alam kong mas lalo lang lalala kaya si mommy na ang lumapit bago ko sila nakitang may pinag usapan.
Wala sa sarili, nanghihina akong umakyat papunta sa kwarto kaya ng dalawang hakbang pa lamang sa hagdan natigilan ako sa sinabe ni Dad. Sapat lang para marinig ko.
"They already refused the marriage. Walang matutuloy na kasalanan kaya baka...." Hindi niya matuloy tuloy ang sasabihin ng marinig ko ang munting hikbi ni Mommy.
"No, Richard. Hindi na natin kailangan gawin 'to—"
"Kailangan, Celine. Hindi mo ba ako naiitindihan." Mariin na sabi niya. "Sila ang mag liligtas sa company natin. Dahil kapag nalugi 'yon sa isang taon, mawawala lahat ng pinag hirapan ko!" He depended.
Nagtagis ang aking ngipin bago walang emosyon na nakatingin sa aking paa kung paano ko mabibigat na hinahakbang sa hagdan. I'm to blame for everything. I knew our manufacturing company was on the third list of the largest companies because Daddy and Mommy are the only ones responsible for their troubles in the tragedy of all that happened. — it's all my fault.
Kung hindi ako tumakbo papalayo, hindi mangyayari 'to at mabilisan akong maikakasal sa kung sino man 'iyon. Wala akong kilala na 'Mr. Francisco' or even the 'Murcialego' when my dad mentioned it. I don't want to get married, though, which is all I can think about.
Nagbuntong hininga ako bago tuluyang binuksan ang pintuan. Ang pamilyar na amoy ang unang sumalubong saakin ng makapasok sa kwarto. Nakita ko pa ang PS4 sa tapat ng aking kama at mga poster sa dingding. The rest, it's about my favorite band. The Neighbourhood and 1D. Napapikit ako ng mariin at paulit ulit na umiling dahil sa isang lalaki na pilit kong iniisantabi. Gustong gusto ko umiyak ng maalala ang ginawa niya pero kahit 'yon 'ay hindi ko na magawa. Siguro'y normal lang na maramdaman ko 'tong galit sakanya dahil sa binalik niya ako sa magulang ko.
Although my mind is screaming for something else, I can't afford to lose him. In the first place, I was already torn between myself and the marriage that my parents had been talking about. But when the time that I met him, I'm fucking torn between him and my family but he chose to... give up on me.
Why? He didn't have to do that. He promised me.
Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa aking sarili nang maisip pa 'yon. Syaka lamang ako napaangat ng tingin ng may kumatok sa pinto.
Tatayo na sana ako nang makaramdam ng hilo kaya kaagad akong napahawak sa study table bilang suporta.
"Siri, honey?" Katok ulit ni mommy.
I blinked a couple of times, bago umiling iling. Siguro'y dala lang ito sa pagod dahil sa lahat ng nangyare. Binuksan ko na ang pinto hanggang sa nakita ko siya na may dalang tray at puno ng pagkain.
"Kumain kana, anak. Sasamahan kita." She said in a sweet tone. I smiled at her. Hindi ko mapagkailang na sa lahat ng mga pangyayari, hindi ko siya nakitang galit na galit katulad ni Dad. Until they found me, I didn't even see her mad at me for what I did. Nothing but disappointment in her expression.