Chapter Eleven

7.3K 427 40
                                    

Parang wala ako sa sarili.

Hindi ko maintindihan ang sinabe ni Anril sa'kin kanina na nag patigil sa akin. Ama niya mismo ang matandang 'yon at ito din ang pumatay sa mga magulang ni Alistair... Si Kyros.

Pabalik balik ako ng lakad habang malalim ang iniisip.

Pinalibot ko ang tingin sa paligid. Para akong nasa selda at nakakulong. Hindi ko din alam kung ilang oras na ako andito simula nung kinuha ako pero ang takot sa aking sarili 'ay palala ng palala habang tumatagal.

Pumatak ang luha ko dahil sa matinding nararamdaman bago nalang ako nagulat ng bumukas ang pinto, revealing Anril.

He looked at me emotionless. "Sumama ka sa'kin."

Dumiin ang hawak ko sa aking damit. Binuka ko ang bibig ko para sana mag tanong pero tumalikod na siya.

Tumayo na ako bago lumabas sa kwarto. Hindi din ako nakaisip ng maayos kung paano tatakas dahil bigla akong natakot sa mga lalaki kanina at sa Papa ni Anril. Madami silang mga baril na dala at hawak hawak kaya kung lalabanan ko sila, baka patayin nila ako.

"H'wag ka matakot hindi ka namin sasaktan." He said in the coldest tone. When I first met Kyros, I was shocked that they both said the same thing, but this is different. I don't trust him.

Wala akong pinag kakatiwalaan isa sakanila at kailangan ko na makaalis dito.

Tahimik akong nakasunod habang pababa kami ng hagdan. Malaki ang bahay pero tahimik at walang kabuhay buhay lalo na 'ay parang tago ito.

Lumiko kami papuntang balkonahe ng biglang nanlake ang mga mata ko ng may nakahanda doon na pagkain at nakaupo si Andres sa isang sofa.

"Andito kana pala," Narinig kong sabi niya. "Please, take a seat."

Liningon ako ni Anril at sinensyahan kaya wala din akong ginawa kundi umupo. Nakaiwas ako ng tingin sakanila hanggang sa magsalita ang Papa niya.

Before tasting his wine, he laughed like Santa Clause, "Don't worry child. We won't kill you... for now." I immediately felt surprised.

"Papa..." Si Anril.

Si Andres Abaddon 'ay tumatawa pa din na nakatingin sa akin bago pinasa-ere ang kamay na parang nagsesenyas ng 'stop.' "I apologize for frightening you in our first meeting," He said, but I don't get the feeling that he's sorry at all. His demand is all I can hear. "We didn't put something in there."

Galit akong tumingin sakanya. "H-How will I believe you..." I said in a distant voice. Narinig ko nanaman ang malakas niyang tawa tila hindi inaasahan ang pag sagot ko.

"You are a very interesting little girl." Linagay niya ang siko sa hamba ng sofa bago tumingin kay Anril.

Narinig ko ang buntong hininga niya sa likod ko bago ako napalingon sakanya at nagulat ng kumuha siya ng pagkain at bigla itong sinubo. Nanlalake pa din ang mata ko ng walang nangyare ilang minuto na ang nakakalipas.

"See?" I heard the reassuring in his voice. "Now, eat. I don't want our guests to find out that we didn't treat you well."

Guest?

Kumunot ang noo ko at hindi nalang pinansin ang sinabe niya bago kumuha ng konting pagkain dahil na din sa gutom. Napalingon pa ako sa gilid ko kung saan may kadadating na dalawang lalake.

They had a gun in their hand. I know I've played a lot of games, but I'm not stupid. I saw a man with the BY15 shotgun, the other muscular man carried a G36 assault weapon and had large tattoos on his shoulder.

The Dominant BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon