Mataas ang sikat ng araw nang makapunta kami dito sa rooftop. Nakita ko ang isang Patio umbrella malapit sa railings bago ang isang lamesa at dalawang upuan na siguro'y doon kami kakain.
Mahigpit pa din ang hawak saakin ni Kyros. Nang makarating kami ay umupo na siya. Akala ko bibitawan niya na ako. But all of a sudden, he grabbed my wrist and dragged me down to sit on his left leg.
"K-kyros!" Gulat ko'ng bulong sakanya. Linapag niya ang pagkain sa lamesa na parang wala lang ang nangyare at linagay ang kanyang muka saaking leeg.
Naalala ko'ng hindi pa ako naliligo. Bago pa tuluyang mag init ang aking pakiramdam, narinig ko ang munting halakhak niya bago linayo ng onti ang kanyang muka kaya ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama saking labi.
Nagkatitigan kaming dalawa ng ilang minuto bago siya bumulong saakin.
"May problema ba?" Tanong niya. "Ang tahimik mo..."
Hindi ako sumagot bago nag iwas ng tingin. Bakit nga ba ako tahimik? Dahil ba sa lahat ng pangyayari? Halo halo ang nararamdaman ko ngayon. I can't even process my thoughts.
Nagbuntong hininga ako bago nag salita.
"You said that Kyros is your true name... but why is everyone and your friend calling you Kian?" There I said it.
Hindi siya umimik habang kumakain kami. Minsan 'ay nakikita ko nalang na bumabaling siya ng tahimik sakin habang ako ay nakatitig lamang sa kawalan. Naiilang man ako sa posisyon namin na nanatili akong nakaupo sakanyang hita, hindi pa din iyon ang rason para mawala lahat ng bumabagabag saakin.
"Gusto ko lang tawagin ako sa totoo kong pangalan, yung mga taong mahalaga sa akin." Sabi niya iyon sa baritong boses na mas lalong ikinalaglag ng panga ko. Nang matapos kaming kumain linagay niya ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng aking tenga bago tumitig ang malalamig niya mata saakin.
"S-So... You think I'm important?" Nanlalake ang mata ko.
Hindi siya sumagot pero naramdaman ko ang ngiti sakanya mata.
I blushed because of that. Pero dahil sa madaming iniisip, hindi ko maiwasang magsalita sa panibagong tanong sakanya.
"Kyros sino ka ba talaga?" I whispered.
Naramdaman ko siyang natigilan. Tila nagulat sa tanong ko bago nag pakawala ng marahas na buntong hininga.
"You'll be shocked if I say it now... or you can even run away from me," he muttered distantly.
"But I'm a grown-up now! I told you I loved you and wished to get to know you better!" Reklamo ko bago siya nakitang tumaas ang isang kilay at natatawang ngumisi.
"You are?" napapaos niyang tanong bago umangat ang gilid ng kanyang labi, tila nakakaloko ang sinabe. "You love me?"
I nodded as his dark gaze was fixed on me. He cocked his head. The skylight illuminated his face, and I could see his expression become harder before he finally calmed down. Tila iba't ibang emosyon ang gusto kumawala nito sa mga malalamig niyang mata.
"Still... no. I'm going to tell you everything, but now isn't the time, Siri. My priority is to protect you and to keep you safe," he continued like he was making a huge promise.
Sumimangot ako bago pinaglaruan ang mga paa. "You don't trust me..."
Hindi siya umimik. Nanatili ang seryosong titig niya saakin kaya bago pa ako makaiwas, hinawakan niya ang aking baba bago mariin na hinalikan sa labi.
Napasinghap ako sa gulat lalo na ng tumaas ang kanyang kamay na nasa hita ko, dahilan para magdaloy saakin ang kakaibang kuryente sa katawan.
Humiwalay siya bago matamaan akong tinignan gamit ang malalamig nitong mata.