Chapter 23 *It’s all about MiKi*
CASSEY’S POV
Nabigla ako nang may nagpatong ng jacket mula sa likod ko.“Anong ginagawa mo rito? Baka lamigin ka?”
“Umiiyak ka ba? May nangyari bang masama?” naupo siya sa tabi ko.
Naka-cupped pa rin ang palm ko sa mukha ko. Hindi ko alam kung may mukha pa akong ihaharap after of what I’ve done to Lem. In just a simple manner, I’ve already cheated on him.
“Sorry.” Sabi ko.
He held his hand on my back and he hugged me. “Sorry for what? May nagawa ka bang mali?”
Oo. Maling mali yun. Pero ginusto ko naman lahat diba? Eesh!
“Papatawarin mo ba ako kung may nagawa man akong masama, Lem?”
Linapit niya ang bibig sa tenga ko.”Oo. kasi ganun kita kamahal. Ewan ko na lang kung kaya kong patawarin ang sarili ko kung sasaktan lang kita.”
I hugged him back. I wish I could go back in time. Sana hindi na nangyari yun.
Hindi na namin tinapos yung 3-day vacation namin. Kahit kase sulitin namin kulang na kami. Para pa naman kina Mich at Kiko talaga yung celebration kaso nauwi lang sa isang complex na complication.
Wala namang nahalata si Lem at Carlito sa awkward tension na namamagitan samin ni Mike after that incident. Nakukuha pa rin kase naming mag-palitan ng conversation especially when we’re in front of the two.
I don’t know pero pakiramdam ko, may tinatago kaming relasyon ni Mike kahit wala naman. Nagi-guilty pa rin kasi ako sa ginawa ko.
“Bye baby. Hindi na kita ihahatid sa loob. Magpahinga ka na ah.”
“Oo. Thank you, Lem.”
“I love you!”
“I love you too.”
Tsaka nagwave na ako sa kanya paalis. Umakyat na ako sa unit ko.
“WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!! PESTE! PESTE! ANO BANG NANGYAYARI SA’YO CASSANDRA!? HINDI MO PWEDENG MAHALIN SI MIKE DAHIL MAY BOYFRIEND KA NA! TANGA KA BA!!! PAG NAGKATAON, MASASAKTAN MO SI LEM. WALA KA BANG PUSO!!! HAAAAAY!!! SANA DALAWA ANG PUSO KO!!! ANG GULO!!!”

BINABASA MO ANG
Perfect Beat
Teen FictionWhen her mother died and her father got his luck in abroad, Lennie Cassandra Guzman, a simple college girl left her ordinary life to pursue her dream career in the city. Adjusting to the air she breaths, she finds herself liking a radio disc jockey...