Chapter 15 *Birthday party*
Talk to me on twitter and instagram : @thekookyscribe
***
[CASSEY'S POV]
"Busy ka ata dyan?" lingon ko kay Limuel habang may sinusulat sa notebook niya.
"Ahh, preparation ko sa business finance" sagot niya habang nakatuon pa rin sa notebook ang mata niya.
Andito nga pala kami sa isang cafeteria sa University, syesta time na kasi pero kami lang dalwa ang magkasama kasi umuwi si Carlito at hindi rin nakasama si Mich dahil may kung anong lakad daw ito, ang weird nga eh almost 3 days na siyang hindi sumasabay samin maglunch. Si Mike naman hindi sumama, kung tutuusin bihira lang naman siya mag-lunch sa school kung full lang yung sked, madalas na sa bahay na lang.
Binuksan ko yung chips na nasa table then I begun munching it.
"Cass, Math problem ka ba?" angat niya ng ulo sabay tingin sakin.
"Eh? Bakit?" bumabanat na naman ang manliligaw ko. HIHI :]]
"Kasi kahit gaano ka pa kahirap sagutin, gagawin ko ang lahat maipasa lang kita"
>/////< SIOMAI este CHIPS…kinikilig AKOOOOOOOO… WAAHHHHHHH…Pigilan niyo ako!!!!!!!!
"Hay naku Lem, kailan ka pa natuto mag-pick up lines?"sabay hampas hampas ng notebook sa biceps niya. Nakakainis eh, pinakikilig ang lola mo. WAHAHAHA, lumalandi na naman ako.xD
Sinalubong niya yung mga tingin ko," Matagal na akong natuto… kaso…sayo ko lang sineryoso"
UWAAAA… Please! Limuel. Tama na. Oo, alam ko na. Maganda ako. HAHAHA xD
"Teka, maiba lang ako, are you really attending to Mike sister's birthday party?"
Naibigay ko na kasi yung invitation para dun sa birthday party ng sister ni Mike.
"Ahh, oo naman. Baka expected na ni Mike na pumunta tayo dun, sayang naman kung hindi di ba?"
I nod.
"So, payag ka magsuot ng costume na cartoon character?"
Napalingon siya sakin"Oo naman, basta makasama lang kita"
Ok.Fine! Ako na ang kinikilig. Ano ba yan? ! Napapadalas ata ang kilig bones ko ah. Masyado ata akong humaharot. Well, malaki na kasi ang pinagbago nitong si Limuel, hindi na siya yung ma-preskong nilalang na nakilala ko noon. "Saan tayo kukuha ng costume?"
"Meron akong alam na party shop, dun na lang tayo, kilala ko naman yung anak ng owner nun"
"Sige!" ^___^
[BELLE'S POV]
"Sigurado ka bang meron ditong Kid's party needs shop, kamatis?"
"Oo naman, yabbie.Ano ka ba mall kaya 'to kaya imposibleng wala. Halika na nga" giniit naman ako ni Kamatis papunta ng scalator para umakyat sa second floor.
Nandito nga pala kami sa SM at naghahanap ng Party needs shop na magrerentahan or bibilhan namin ng costume para sa Birthday ng cute na cute na sister ni Mike. Ang saya nga eh, nakakamiss kasi yung birthday party ng kapatid niya last two years. Panigurado bongga na naman ito.
Pag-ka akyat namin, naglibot libot kami sa secondfloor at wala talaga kaming mahagilap na party needs shop. Nakakapagod tuloy, kasi naman ang theme pang napili ng party ay cartoon characters. Dapat ginawang simpleng kainan na lang. Mga mayayaman talaga, masyadong magastos. Pwede na rin nga yung silang buong family lang.

BINABASA MO ANG
Perfect Beat
JugendliteraturWhen her mother died and her father got his luck in abroad, Lennie Cassandra Guzman, a simple college girl left her ordinary life to pursue her dream career in the city. Adjusting to the air she breaths, she finds herself liking a radio disc jockey...