Chapter 25 * DJ Cassey*
CASSEY’S POV
“Okay ka lang ba?”
Pinagpatuloy ko ang pag-strum ng guitar ko habang binabasa ang mga nota sa draft na nakapatong sa table.
“Cass, okay ka nga lang ba?”
Huminto ako sa pag-strum at tinignan siya sa mata niya. “Hindi ko alam. Bukas pa naman yung audtion pero parang ngayon pa ako kinabahan. Nakakainis!” tsaka ko pinitik yung draft dahilan para mahulog ito.
“Naiinis ka dahil bukas na yung audition? E, three days mo namang na-practice na yung piece di ba? Bakit ka naiinis?”
Kinuha niya yung guitar sa akin at nagstrum siya.
“Nakakainis. Pakiramdam ko kasi may hindi sinasabi sa akin si Lem. Pakiramdam ko may tinatago siya.” Nakasimangot na kwento ko.
“Like?”
“Hindi ko nga alam Mike ee. Naguguluhan ako sa kanya these past few days. Lagi na lang siyang busy. May ginagawa. May project. Eh gusto ko lang naman ng konting oras. Am I being possessive?”
Tumigil siya sa pag-strum. “Tinetext ka ba niya every day. Sinusundo ka pa ba niya?”
“Text. Oo. Pero hindi na katulad ng dati. Yung tipong every hour. Every break niya. At isa pa yun, hindi niya na ako sinusundo o hinahatid lamang. The last was the morning after tita Liza’s birthday.”
“Baka may problema lang?”
“Why he couldn’t tell me? Di ba girlfriend niya ako dapat sinasabi niya sa akin.” Medyo tumaas yung boses ko.
“Chill lang. Relax. Dahil mas mabuting siya lang ang nakaka-alam? Dahil ayaw niyang mag-worry ka sa kanya?”
“Ewan. Ang gulo. Mag-mo-monthsary na pati kami sabay pa naman sa birthday ko.”
“Exactly!”
Tinignan ko siya! Exactlyng ano? “Ha?”
“Malay mo kasi he’s up to a big surprise para sa day na yun. Kilala mo naman siguro yang boyfriend mo, full of surprises.”
“Sana. But I can’t find the reason kung bakit kailangan ganito.”
“Maybe that’s part of the plan?”
“And ignoring my audition is really his plan? Parang napaka-senseless naman nun. Hindi ko kase ma-feel yung support niya. Pakiramdam ko ayaw niya talagang maging DJ ako. Pakiramdam ko—“
“Girls are really complicated. Masyado mong pinapairal ang emosyon mo. Ang ‘pakiramdam ko’ ganito ganyan. Just let things happen. Take the positive side. Always.”

BINABASA MO ANG
Perfect Beat
Fiksi RemajaWhen her mother died and her father got his luck in abroad, Lennie Cassandra Guzman, a simple college girl left her ordinary life to pursue her dream career in the city. Adjusting to the air she breaths, she finds herself liking a radio disc jockey...