Chapter 24 *meet the mother*
CASSEY’S POV
“Matagal ka pa ba diyan, Carlito?”
“Eto na teh, wait lang.”
Kanina pa kasi kami andito sa isang boutique sa mall. Naghahanap ng masusuot sa birthday dinner ng mommy ni Lem.
“Oh, eto na oh. Tapos na! Ikaw may napili ka na?” tanong niya habang inaayos ang pagkaka-hanger ng damit niyang binili.
“Leche ka. Anong use mo dito? Kaya nga kita sinama para may stylist ako.”
“Oo nga noh girl. Tara, babayaran ko lang ‘to.” Tinalikuran niya na ako at tsaka siya dumiretso sa cashier.
Maaga pa lang nandito na kami ni Carlito sa mall. Eh kasi naman biglaan ang pag-invite sa akin ng butihin kong boyfriend. Kinakabahan tuloy ako sa dinner na yan with her mom. Mabuti nga pumayag si Lem na magsama ako ng friends tutal birthday dinner naman daw kaya ayun kasama si bakla at si Mike. Tinext ko silang dalawa kagabi matapos akong ihatid ni Lem sa condo. Si Mich until now, hindi pa rin pumapasok. Natapos na nga ang TPU Olympics at may pasok na naman pero wala pa siyang ni hoy ni hay. Ewan sa babaeng yun.
“Alam mo girl, ang alam ko talaga official na split na ang lola Maria mo at si Papa Kiko.” Kwento sa akin ni Carlito habang naglalakad kami papasok ng Dept. Store.
“Talaga? Saan mo na naman yan nakuha?”
“Sa mga reliable source ko. Ano ka ba? Wala ka atang bilib sa mga sources ng chika ko.”
“Pero bakit hindi man lang nagtext si Mich or ano? May balak pa ba yung mag-aral?”
“Hay! Super brokenhearted si bibigirl. Kawawa naman. Teka, maiba ako, is Mikael Jet Perez coming with us tonight?”
“Oo. Tinext ko siya kagabi and nagreply naman siya ng okay. Yun lang.”
“Ahh.” Tumatango-tango niya pang sagot habang papasok kami ng dept. store.
Matapos kaming bumili ng damit ko. In fairness, magaling talagang pumili ang baklang ‘to. Dumiretso kami sa isang bagong open na coffee shop sa loob ng mall.
“Good morning Ma’am. Good Morning…??”
“Ma’am.” Pagatataray ni Carlito sa babeng staff ng coffee shop na bumati sa amin.
“Good Morning ma’am. Welcome to the newest branch of Coffee Lab.”
Dumiretso na kami sa loob ng Coffee Lab. Maganda ang design ng coffee shop na ito. Parang mga vandalism na wallprint at vintage style ang porma.

BINABASA MO ANG
Perfect Beat
Teen FictionWhen her mother died and her father got his luck in abroad, Lennie Cassandra Guzman, a simple college girl left her ordinary life to pursue her dream career in the city. Adjusting to the air she breaths, she finds herself liking a radio disc jockey...