It has been two years.
Pero parang kahapon lang lahat ng nangyari. Parang kailan lang nang iniwan nila akong nag-iisa.
Tumigil ang bus na sinasakyan ko sa harap ng isang waiting shed na may sign board na "bus stop". Tumayo ako sa kinauupan ko at tsaka bumaba sa maingay na lansangan ng EDSA dala dala ang napakabigat na bag.
Binagtas ko ang masukal na daan patungo sa lugar na aking pinagtatrabahuan.
Busina ng jeep. Potpot ng nagtitinda ng puto. Stereo ng mga nagiinumang lasing sa kailaliman ng tirik na araw. Mga nagchichismisan sa kanto. Sigaw ng naglilibot ng taho. Jingle ng isang sikat na Ice cream brand at kung ano-ano pa. Maingay. Napaka-ingay. Waring kasing-ingay ng buhay ko dalawang taon na ang nakakaraan.
Umihip ang mainit na hangin na nababalot ng usok ang sumalubong sakin. Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang taong minsan ng nagbigay init sa buhay ko.
Patuloy ako sa paglalakad.
Tumingala ako sa langit ng biglang natakpan ng makapal na itim na ulap ang kaninang tirik na araw.
Biglang dumilim. Tulad ng maliwanag kong buhay noon.
Pinunasan ng likod ng palad ko ang nagbabadyang pawis na tumulo sa noo ko. Kaunti na lang malapit na ako.
Huminto ako sa harap ng isang sikat na TV network.
Eto na.
Pumasok na ako sa napakalaking building kasabay ng pagbati ng gwardiya ng "Good Morning, ma'am."
Pinindut ko ang Up button at tsaka pumasok sa elevator.
32.
Ako lang mag-isa ang nasa loob ng elevator. Nanonoot sa balat ko ang lamig mula sa aircon nito.
Ting. Kasabay ng tunog na yan ang paghati ng pinto nito sa harap ko.
Lumabas ako. Umikot sa ilang hallway at huminto sa isang salaming pintuang may nakasabit na karatulang may ilaw na pula. "On-air"
Biglang bumukas ang pinto.
"Cass, buti na lang nandito ka na. Kanina pa kasi may naghihintay sa'yo dito." at tsaka niya ako tinalikuran.
Tila hindi umayon ang pintig ng puso ko sa normal na pagtibok nito.
Dahan-dahan. Unti-unti. Palakas ng palakas.
Binuksan ko ang pinto.
Kasabay ng pagsara ko nito ay siya namang pagharap ng lalaking nakatayo sa harapan ko.
Waring tumugtug ang mga anghel sa kalangitan. Tila bumalik ang ihip ng hangin. Ang mga ingay sa daan. Ang pagtakip ng ulap sa langit. Ang pagtigil ng bus. Ang pag baba ko rito. Lahat yun. Lahat ng bagay. Tila nag-ta-time travel pabalik. Hindi lang ang halos dalawang taon kundi higit pa sa dalawang taon ng buhay ko.
Sa katatahimikang tanging tinig ng mga anghel lamang ang naririnig, tila pati tibok ng puso ko bumangon at muling nabigyang buhay.
Pero hindi pa rin mawaglit ang sakit na dala ng taong nasa harap ko.
Hinawakan ko ang dibdib ko. Sana nandito si Mike. Sana para sa kanya 'tong tibok na to.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya. The height. The face. It's still the same. Gwapo at Pandak pa rin siya. Mas better lang ngayon.
"It has been two years, Cassey. But I still feel the same. I still love you."
Ngumiti ako. "What? Huh."

BINABASA MO ANG
Perfect Beat
Teen FictionWhen her mother died and her father got his luck in abroad, Lennie Cassandra Guzman, a simple college girl left her ordinary life to pursue her dream career in the city. Adjusting to the air she breaths, she finds herself liking a radio disc jockey...