CASSEY'S POV
Sosyal talaga tong resort na pinuntahan namin. Akalain niyo yun, we have our own mini house na may mini swimming pool pa sa mini garden sa loob ng mini fences na nakapalibot dito. Then sa right side may mga mini houses pang katabi tapos may isang malawak na sealine tapos may sea. Haha.
"This is such a nice place,Carlito."
Carli looked at Seb sternly, "Carli. Call me that way. Tsaka this place is owned by my auntie. Kaya libre na ang lahat."
Inakbayan naman ni Mich si Carlito. "Sana araw arawin natin to. Hahaha."
"Abuso."
After namin kumain sa reception area, doon kasi kami pinakain ng anti ni Carlito. Ang bait bait nga nito at ang ganda pa.
"Punta lang ako ng mini house ah. May kukunin ako." paalam samin ni Seb.
"Teka, di ba andun din si Mike?" -Mich
"Oo. Eh ano naman ngayon?" - ako
"Oh My Gooossh! Baka magsabunutan sila ron!---Aray!!"
"Bakla ka talaga! Anong sabunutan baka suntukan!"
"May di ba ako alam?!"
"Hay. Ateng. Obvious naman na gusto ka nila pareho. Yan si Mike matagal na yang may feelings sayo mukhang ngayon lang niya nakita ang right time para ligawan ka peroooo...."
Ipinagpatuloy ni Carlito. "...pero nandito naman si Sebastian who happened to be your ultimate crush DJ Jetro. Kaya yun. Mukhang malaki siyang threat kay Papa Mikael. How sad naman?"
Kaya pala kanina pa tahimik si Mike at hindi niya kami masaydong pinapansin.
"Wait lang ah. Punta lang kami ni bakla doon. Okay?"
Tumango ako.
Tinignan ko ang suot kong wristwatch, 5:15 pa lang. I started strolling in the seashore. Kahit medyo maliwanag pa ang sun, ramdam ko na ang lamig dala ng hangin. Ber months na pala at ilang days na lang finals week na at sembreak na naman. Ang bilis lang talaga ng araw. Parang kailan lang ng subsub na subsub ako sa pesteng heartbreak ko kay Limuel.
Hindi masyadong matao sa beach kaya every person na makasalubong mo marerecognize mo talaga.
Ano na kaya ang ginagawa nila doon sa villa? Ang tagal naman nila?
Napahinto ako sa paglalakad ng mapansin kong may paang humarang sa daan ko.
Mula sa pagkakayuko, inangat ko ang ulo ko para tignan kung sino siya.
He's smell. He's height. These are all the same. But he's hair and face are completely different now.
"Cassey." ngumiti siya, making that name a question not really a statement.
Hindi ako magalaw. Gusto ko siyang saktan,bugbugin,sabunutan,tadyakan dahil sa hinawa niyang panloloko sakin pero gusto siyang yakapin, amuyin,at halikan at the same time dahil miss na miss ko na siya.
Hinawakan niya ang kanang braso.
"Sorry."
But that word made me slapped him.
How could he? "Please! Kung lalayo ka sakin yung malayo talaga. Hindi yung ganito."
"I still love you but--"
"I. Don't. Love. You. Anymore. So please, lubayan mo na ako. I'm moving on." tinalikuran ko na siya bago pa tumulo muli ang pesteng mga luha ko.

BINABASA MO ANG
Perfect Beat
Teen FictionWhen her mother died and her father got his luck in abroad, Lennie Cassandra Guzman, a simple college girl left her ordinary life to pursue her dream career in the city. Adjusting to the air she breaths, she finds herself liking a radio disc jockey...