Chapter 21 * It’s a……. ?*
CASSEY’S POV
“So, Midterms were done!!! Where to go baksis?”-Carlito
“Go home and eat some meatballs.—AAARAAAY!!”
“Nahihihilig ka na talaga diyan sa meatballs na yan , Mich.”Pansin ko lang recently pa meatballs ang pinagsasabi nito ni Mich.
“Eh, bakit ba? Ang sarap kasi magluto ni Kiks ng meatballs.”
“Sows, baka balls niya—aray!”
“Batos ka talagang bakla ka! Pwede ba bigyan mo naman ng respeto yung boypren ko.”
“Asus, two weeks pa lang kayo teh. Mahabang panahon pa ang gugugulin niyo para mabuo ang tinatawag na pamilya.”
Ang baliw talaga ng mga kaibigan ko. Where on earth did I meet these crazy people?
“Pamilyang pinagsasabi mo diyan. Ang isip mo talaga! Naku! Naku!”
“Basta ako Team MiKi ako!”
Sabay kaming napalingon ni Mich kay Carli with what-are-you-saying-look.
“Oo. Kahit mahina ang utak mo Maria. Boto naman ako sainyo ni Kiko mo. Kaya nga team Miki ako. Mich-Kiko. MIKI!!!! BWAHAHAHAHA.”
“Waaaaah!!! Na appreciate kita bakla..” then lumapit si Mich kay Carlito at akmang yayakapin pero,“…ayusin mo lang ang pagtawa mo, lakas makabakla. Imbyerna!” tsaka hinampas ni Mich sa braso si Carlito.
“Ang korni mo Carlito!” komento ko naman at sabay sabay na kaming naglakad papunta ng Mall.
“Si Manang Cassey, umiiral na naman ang old-school hormones. Alam mo Cass,..” then tumabi siya sakin habang naglalakad. “…once na in-love ang isang tao, kahit anong kakornihan napapasaya siya nito. Dahil pag nasa stage na kayo ng sinasabing ‘love’ diyan din lumalabas ang korni-hormones ng isang tao, intyendes?”
“Very well-said. Bigyan ng jacket!” biro naman ni Mich.
Nagwave-wave naman si Carlito sa ere na parang nasa isang pageant.
“At kelan pa nagbigay ng jacket sa Miss Universe, hoy bakla, wag kang feeler.”
“Sama mo talaga Maria.”
“Akalain mo Carli, naisip mo yun.”—biro ko naman.
“Oh! My God! I’m gonna die. I’m gonna die! I’m gonna die! Joke!” tapos tumawa ng napakalakas si Carlito habang papasok kami sa entrance ng mall.
Hindi tuloy namin maiwasang tignan ng mga tao.
“Nag-joke ka pa! sana natuluyan ka ng natigok!Joke!” –Mich.
“Ang babaliw niyo talaga! Tara na nga at kumain, nangayayat ako ng midterms.”
***
“Hello kuya!!!”
(Musta na ang Cassuy ko?)
“Okay lang naman kuya, ikaw kuya, how are you?”
(Kuya is always fine. Hahaha. Namiss kita Cassuy!)
“Namiss ko din ang pinaka-gwapo at pinaka-mabait kong kuya sa balat ng lupa.”

BINABASA MO ANG
Perfect Beat
Novela JuvenilWhen her mother died and her father got his luck in abroad, Lennie Cassandra Guzman, a simple college girl left her ordinary life to pursue her dream career in the city. Adjusting to the air she breaths, she finds herself liking a radio disc jockey...