CASSEY'S POV
"YES HELLO!!!! A wonderful and beautiful morning, dear happy tuners!!!! This is your newest happy FM morning habit with me... Your newest Jock on the radio.. I am Cassey, and this is HAPPY MORNINGS on Happy FM... sounds REALLY good YEAAAH!!!"
Pinindot ko ang play button for the music bago ko binaba ang earphone ko.
Nag-thumbs up sa kabilang room, technical room basically si Mich tsaka ako ngumiti.
Lumabas ako ng booth at pumasok doon.
"Baks, I'm so proud of you!!!" yinakap niya ako at saka kumalas din.
"Haha. Grabe! Kinakabahan talaga ako kaninang umaga on the way here."
"Congrats ah. And by the way..."
Bago pa siya matapos magsalita, biglang pumasok si Carlito at Mike mula sa labas ng tech. room na may dala-dalang Red Ribbon Cake at may candle pa.
"Happy birthday to you! Happy Birthday to you! Happy birthday. Happy birthday. Happy birthday to you!!!" sabay pa nilang chant kasama ang mga staff ng tech room at ibang jocks habang naggigitara naman si Mike.
"HAPPY BIRTHDAY CASSEY!!!"
I smiled. I was just too grateful for everyone of them.
"Thank you guys. So much. Hindi ko alam kung paano ko kayo pasasalamatan. Haha."
"Sus. Makapagdrama."
"Hahaha. Sobrang saya ko lang talaga, bakla."
"Yeah. We all know!"
"30 seconds more!!!!" paalala ni Greg, ang head ng tech room. hindi ko alam kung ano siya dun. Basta para siyang prompter na magsasabi kung magoon-air na.
Pumasok ako ng Announcer's Booth. I press the ON button for the mic at saka ako rumatsada ng kakasalita. Haha.
Marami ring nagtext sa textline at nagpost sa social networking sites ng mga greetings nila para sakin.
First day ko as a realtime jock at sobrang saya dahil welcome na welcome ako sa mga staffs at syempre sa mga listeners ng Happy FM.
May mga nag-on-air greetings rin. Di ko tuloy makalimutan yung nangyari kaninang umaga before ako pumunta ng school.
Bumukas ang elevator. Naglakad ako sa lobby ng condo.
"Excuse me ma'am. Good Morning!" bati sakin ng isang crew ng condo.
"Good Morning din." ngumiti ako after I said that.
"Ma'am, may mga boxes of gifts po kasi at flowers sa receptionist desk para sainyo raw po."
"Talaga?!"
"Opo ma'am. Ang sweet naman po ng boyfriend mo. Birthday niyo po ba ma'am o anniversary?!"
"Yes. Birthday ko."
"Happy Birthday po.!"
Tsaka kami pumunta sa desk nila at nakita ko nga ang sandamakmak na boxes at flowers. Seryoso, mukha ba akong patay at ang daming bulaklak.
Bumalik ako sa unit ko at ipinapasok ang lahat ng iyon.
Nang maka-alis na si kuyang helper tinignan ko ang mga cards sa bawat flowers.
Mostly from Kuya Clinton lang at mga RICH classmates ko ang nagpadala. Aww. Mukhang nakalimutan ng Hot Gwapo at Pandak kong boyfriend na 1st Monthsary namin ngayon ah.

BINABASA MO ANG
Perfect Beat
Teen FictionWhen her mother died and her father got his luck in abroad, Lennie Cassandra Guzman, a simple college girl left her ordinary life to pursue her dream career in the city. Adjusting to the air she breaths, she finds herself liking a radio disc jockey...