FINAL CHAPTER

36 0 0
                                    

CASSEY'S POV

"...awake!"

Tila pumalalpak ang dalawang tenga ko sa aking narinig.

Is it true? Buhay siya? Lumaban siya? Hindi siya sumuko?

Agad na pumasok si Tita sa loob ng ICU. Habang naghihintay ako sa labas ng kwarto nito.

Nakayuko lang ako. Maya-maya pa nakaramdam ako ng isang palad na dumampi sa kanang balikat ko.

Napataas ako ng tingin.

"Seb." sabi ko sakanya na may halong maluluhang boses.

Ngumiti siya.

"Hindi ka ba galit saamin? Sa pagtago namin ng katotohanan about Mike's condition."

Huminga ako ng malalim.

"Hindi ako galit sainyo. Naiintindihan ko naman na gusto niyo lang akong maging masaya at tuluyang makalimutan si Limuel."

Umupo siya sa tabi ko.

"Mabuti naman. Akala kasi namin, magagalit ka dahil dun. Kumusta na pala ang lagay niya?!"

"Nagising na raw siya sabi ng nurse."

"Mabuti naman. Ikaw, kumusta ka na?"

Hindi ko siya nasagot. Mahirap pa rin para sakin na sabihing okay ako kahit hindi naman. Mahirap pa rin sabihin na umaasa pa rin akong mabububay si Mike at magiging masaya kami dahil hindi ganun yun.

He tapped my back.

"Alam kong mahirap. Pero sana magpakatatag ka. We know how strong are you. At kaya mo itong lagpasan. This is only God's challenge. Kilala kita, kilala ka namin at mas lalong kilala ka ni Mike. Ayaw niyang nalulungkot ka at ayaw niyang sumusuko ka. Alam niyang kahit anong mangyari tatanggapin mo ito lahat. Lagi ko ngang sinasabing first rule is acceptance diba?!"

I sniffed. This is the moment that I don't really wanted to happen. Iiyak na naman ako.

"Pero iba to, Seb. Si Mike ang mawawala at hindi ko yun kaya. Alam mo ba kung gaano niya ako pinasaya. Kung gaano niya ako minahal. Sobra. Sobra, Seb. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung tuluyan niya na akong iiwan. Iniisip ko pa lang na mawawala siya, parang pinapatay na ako. Iniisip ko pa lang nadarating yung oras na ako.na naman ulit, nalulungkot na ako. Hindi ko kaya, Seb." umiiyak na naman ako.

Hinagod-hagod niya ang likod ko.

"Hindi ka namin iiwan kahit anong mangyari. Hindi ka namin pababayaan kahit ikaw na lang mag-isa. Nandito lang kami, Cass. We will always love you no matter what happens"

"Salamat."

2 DAYS PASSED!

Umupo ako sa isang chair sa side ng bed ni Mike. Tinititigan ko lang siya habang himbing na himbing siyang matulog. Hinihintay ang kanyang pag-gising.

Tinitignan ko pa lang ang hitsura ni Mike, naaawa na ako, nalulungkot na ako. Ang dami ng pinagbago ng physical features niya. Wala na siyang buhok, pumayat na ang mukha niya, pale na rin ang kulay ng balat niya.

Ang hirap hirap at ang sakit sakit sa part ko na tinitignan lang siya.

Ang hirap hirap na wala akong magagawa para pigilan ang pag-alis niya at ipagpatuloy ang buhay niya.

Hinawakan ko ang kamay niya. Yumuko ako sa gilid ng kamang hinihigaan niya. Umiiyak na naman ako.

Lord, nakikiusap po ako, bigyan mo pa po sana ng ikalawang chance si Mike mabuhay. Bigyan niyo po kami ng mahabang panahon pa para magkasama. Kung alam niyo lang po kung gaano ako kasaya pagkasama siya. Alam niyo naman po siguro kung gaano namin mahal ang isa't isa. Please. Lord, nakikiusap po ako. Wag naman po sana ngayon. Wag mo naman po sana kunin si Mike. Sabihin na po nating ang selfish ko pero hindi ko po alam kung paano na ako kung mawawala siya. Lord, please naman po. Ngayon lang po ako hihiling ng isang bagay na tulad nito. Please. Nagmamakaawa po ako. Kahit ilang araw lang, kahit ilang oras lang.

Naramdaman kong may humawak sa ulo ko. Napaangat ako ng mukha ko,

"Mike." bigla ko siyang yinakap habang patuloy na tumutulo ang mga butil ng luha mula sa mata ko.

"Sshh. Bakit ka umiiyak? Di ba sabi ko sa'yo, magpakatatag ka. Di ba sabi ko sa'yo, hawakan mo lang yang puso mo pag namimiss mo ako."

"Mike. Wag ka naman magsasalita ng ganyan oh!"

Tumawa siya ng konti.

"Ano ka ba! Inihahanda ko lang ang sarili ko sa posibleng mangyari. Kaya sana ihanda mo rin yang sarili mo. Alam mong ayaw kitang nakikitang nalulungkot at umiiyak. Gusto ko lagi ka lang masaya."

"Paano pa ako magiging masaya kung iiwan mo ako? Paano,Mike.?"

Kumawala ako sa yakap at tinitigan niya ako ng malalim. Hinawakan niya ang pisngi ko.

"Gusto ko lagi ka lang masaya. Kahit anong mangyari. Gusto ko lagi ka lang nakangiti. Smile,Cass. Smile."

Pinilit kong gumuhit ng isang ngiti sa labi pero ang hirap pa lang ngumiti kapag nasasaktan ka.

***

Nakatitig lang kami pareho sa palubog na araw sa garden ng hospital. Siya nakaupo sa wheelchair habang ako nakatayo sa likod niya at hawak hawak ang kanan niyang kamay.

"Thank you for always making me smile, Cass."

"Ano bang pinagsasabi mo?!!"

"I burn. I lighten up. I'm the fire and you are my match. I so love you, Cass I just can't lose you."

Naiiyak na naman ako. Bakit ganito siya?

"I just can't lose you too, Mike. I wish we have still enough time to be together."

"Di ba, sabi ko h'wag kang iiyak! In life, there are people who joins us in our journey. People who create happy memories with us. But just like a trip, may mga bumababa at umaalis."

Yinakap ko siya mula sa likod. Nakapatong ang baba ko sa balikat niya habang patuloy na tumutulo ang luha ko. Nakakainis! Lagi na lang akong umiiyak.

"Shh. I'm leaving but I'm not leaving you sad."

"Yun na nga ang mahirap e. Dahil iiwan mo akong masaya tapos malulungkot din pala ako sa huli. Bakit kasi kailangan mo pang umalis?"

"I'm tired, Cass. I'm really really tired. Pero masaya ako dahil aalis akong masaya ako at masaya kayong lahat. Kaya sana maging masaya ka pag-alis ko. I will always see you, I will always love you, Cass. I will never forget all those time we spent together."

"Mike!!" Iyak lang ako ng iyak habang magkadikit ang pisngi naming dalawa.

"I love everything about you,Cass. Because I never love any girl like this. I never love anybody like I love you. I love you! I love you! I love you!"

"I love---"

"Don't be. I love you! I love you! I love you!"

***

Huminto ako sa paghakbang.  Pakiramdam ko katapusan na ng mundo. Pakiramdam ko pati kamay ng relo tumigil na. Ang mga taong naglalakad at nagpapanic sa paligid ko tuluyan na ring nawala.

Nabitawan ko ang hawak kong kape, ang hawak kong paper bag na puno ng apples.

Nanlambot ang tuhod ko. Nanghina ang buong sistem mo.

Ang naririnig ko na lamang ay ang huling salitang narinig ko.

"I love Cassey but I need to rest."

Napaluhod ako sa sahig. At tuluyan ng bumagsak ang mga luha sa mata ko.

Iniwan niya na ako. Ako na naman mag-isa.

"Pinabibigay to sayo ng anak ko." inabot ni tita ang isang mickey mouse flashdrive sa akin.

"Salamat po."

"Salamat rin sa pagmamahal na binigay mo sa anak ko. Maraming salamat hija."

Yinakap niya ako ng mahigpit.

"Salamat rin po sainyo. Salamat kay Mike. I will always love him, tita."

Perfect BeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon