Chasing Jerry Ch. 5

184 4 0
                                    

Chapter 5

Jenny’s POV

Takot na takot pa naman ako sa mga nakaka lulang rides, gusto ko sanang mag suggest ng ibang lugar kaso nakakahiya naman, kasi silang lahat sobra ng excited kaya di na ako nagsasalita.

Pinagpapawisan na ako ng malamig sa kotse nang mapansin ako ni Grace.

“Okay ka lang ba Jenny? Namumutla ka eh.”

“Ah oo okay lang ako, excited lang.”Pero sa totoo lang ang lakas ng pintig ng puso ko.

Tumigil na ang sasakyan ng makarating na kami sa isang malaking carnival. Nagsuot na si Jerry ng bonnet para di na sia makilala ng mga tao. Nauna si Jerry bumaba para buksan ang mga pinto. He’s so gentleman and charming!

Excited na excited na  si Krissy na sumakay sa roller coaster. Pero ako, pag tinitignan ko pa lang yung bilis ng roller coaster ay nasusuka na ako.

Hinila ni Micah ang kamay ko papuntang pilahan ng roller coaster pero sinabi kong ayokong sumakay don kasi kakakain ko lang ng congee. Pero sa totoo, natatakot akong sumakay at magsuka.

Pumila lahat sila kasama si Jerry L May sinabi nga si Jerry sa akin eh.

“Are you sure? You don’t want to join us?”

“No, no I’ll just wait for you all here.” Pero Sa kaloob looban ko gusto kong sabihin sa kanyang “wag mo kong iwan.”

Tatlong ikot ang roller coaster, Naiingit nga ako sa kanila. Enjoy na enjoy sila. Ang lalakas humiyaw!

Pagkababa nila, hingal na hingal sila at nagtatawanan.

Si Micah nga halos maging blue na ang mukha eh, Napa suka tuloy ng di oras. Yes! May kasama na rin ako hehehe.

“Okay ka lang ba Micah?” tanong ko sa kanya.

“Oo, okay lang ako. Gusto ko ng ice cream.” Ice cream pa talaga haaa??? Nasusuka pa siya ng lagay na yan.

Bumili kaming lahat ng ice cream. Nang maubos na ang ice cream namin, Niyaya kami ni Jerry na sumakay sa carousel. Di naman nakaka lula don eh so go!!!

“Wow! Ang ganda naman ng carousel na to!” Sabi ni ate Roxy.

Sobrang ganda nga ng carousel! May iba’t ibang design meron pang kalesang gawa sa kalabasa. Naisip ko tuloy na para kaming si Cinderella at si Jerry ang Prince Charming. Sana wala ng katapusan  tong oras na to, sana di na mag 12:00 at magising kami na nasa Pilipinas ulit…

Pinicturan ko sila pati si Jerry. Ang magical ng moment na to, para talaga kaming nasa fairy tale.

Nagulat nga ako ng nilapitan ako ni Jerry habang umaandar ang carousel at kinuha ang cellphone nia at sinabing, “Cheese!!!”.

Yes! May selfie na kaming dalawa sa cellphone nia. Akala ko ako lang ang magkaka picture sa cellphone nia, pati rin pala ang ibang girls pinicturan nia rin L. Sobrang assuming ko talaga! I’m just a fan and nothing more. Masakit mang isipin pero totoo.

Ano ba tong iniisip ko??? Nakakalimutan ko na, na Miracles do come true…

Oo, tama!! MAY PAG ASA AKO KAY JERRY!! AJA!

Ang dami nilang sinakyang nakakalulang rides. Lagi na lang akong naiiwan, sumakay na ulit si Micah sa mga rides kaya naiwan na naman ako… Hinila ako nina Grace sa pilahan sa ferris wheel, ang taas taas. Nakaka takot, para tuloy akong magkaka nervous break down!

Until Jerry say, “Please ride with me??”. Parang may tranquilizer ang mga salita nia.

“Please? You can do it. Do it with me.” He said it with sincerity in his eyes.

Chasing JerryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon