Chasing Jerry Ch. 14

129 2 0
                                    

Chapter 14

Jenny’s POV

Ang sarap ng tulog ko!! Halos abot kamay ko na si Jerry! Ayoko munang isipin ang Lin Chi Ling issue ngayon basta ako, masaya! Masayang masaya!!

Naginat muna ako ng  katawan. Tinignan ko ang mga girls, mga tulog pa rin sila.

Parang may kulang… Bakit wala si Grace?? Kahapon wala din siya!!! Saan kaya siya pumunta? Ginising ko si ate Abbie.

“Ate Abbie, gising. Gising!!” kulit ko sa kanya.

“oh, ano?? Kita na natutulog pa ang tao eh.” Sabi nia.

“Si Grace ba nakita mo kagabi?”

“Hindi,, bakit ba?”

“Wala pa rin siya ngayon eh!!”

Bigla siyang umupo sa pagkakahiga.

“Ano??!! Wala pa rin siya?!! Iniwan lang namin sila ni Mike na nag-uusap kagabi eh. Tapos pagbalik namin dito, wala pa rin siya. Nakatulog na ako sa sobrang antok.” Sabi ni Ate Abbie.

“Saan naman nagpunta yong dalawang yon?? Hanapin natin siya baka tayo pa malagot sa nanay non eh!”

Ginising na namin ang ibang mga girls para magpatulong sa paghahanap.

“Girls gising na kayo, NAWAWALA si Grace… Hanapin natin sila ni Mike…” sigaw ni ate Abbie.

“WHAT??? WALA PA RIN SIYA??” tanong ni ate Roxy na gulat na gulat.

“Wala pa eh, wala ngang text o call eh. Tsk pinag aalala niya tayo…” Sabi ko na alalang alala.

“Di kaya baka may kung anong ginawa si kuya Mike kay ate Grace?!!!” sabi ni Krissy na nananakot.

“WAG ka ngang magsalita nang ganyan!! Di naman siguro magagawa ni Mike yun…” sabi ko sa kanya para gumaan gaan ang mga naiisip namin.

Nagmamadali kaming nagbihis para hanapin si Grace. Pinaalam namin kay Jerry ang mga nangyayari at tinanong din namin siya kung may alam ba siya kung saan pumunta si Mike at Grace pero wala din siyang alam.

Namumula ako pag nakikita ko siya. Ang mga tingin niya sa akin para bang mga apoy na nakatunaw ng malamig kong puso. Oh Jerry, wait until we find Grace and I will tell you that I do want to be your girlfriend.

“Good morning Jerry…” Sabi ko sa kanya sabay ngiti.

“Good morning Jenny…. Ah… Jenny you look great today…” sabi nia sa akin habang nakangiti.

Nagulat ang lahat sa sinabi ni Jerry sa akin.

“You look handsome as ever Jerry…” sabi ko sa kanya.

“HOW about us Jerry?? Do we look great too?” Asar na tanong ni Krissy.

“Oh of course you all look good…” sabi ni Jerry.

OMG, ako lang ang napansin ni Jerry at mukhang kinakabahan pa siya habang sinasabi niya sa akin yon… Baka naisip niya ang mga nangyari kagabi…

Binulungan ako ni Micah…

“Congrats Jenny,,, naakit na ata ng katawan mo kagabi si Jerry kaya ikaw lang ang napansin ngayon.” Mahina niyang bulong sa akin.

“Tumahimik ka nga Micah, sadyang looking good lang talaga ako ngayon hahaha… Tama na nga yan! Hanapin na natin sina Grace at Mike.”

Natawa ako sa sinabi ni Micah na baka naakit na ng katawan ko si Jerry kagabi. Hahahaha nakita na niya ang lahat!!! Pero di ko pa nakikita ang sa kanya hahaha Ano ba tong mga pinag-iisip ko!!!

Chasing JerryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon