Chasing Jerry Ch. 8

156 5 0
                                    

Chapter 8

Jenny’s POV

Sinugod si Jerry sa pinakamalapit na ospital. Pagkarating namin sa emergency area tinawagan ko agad sina ate Roxy para pumunta sa ospital…

Matapos ang pag gagamot ng doktor kay Jerry, kinausap ko ang doktor kung ano ba ang kalagayan ni Jerry…

“Is he okay? What happened to him?”

“He’s fine. He just need some rest. He overdoses on antidepressant but he will be okay. He will be out for 2 to 3 days.”

“Thanks.”

Buti naman at ligtas na sia. I will never leave him. “Bakit mo ginawa to Jerry? Madami namang nagmamahal sayo eh. Nandito naman kami ng mga Jerry’s Maniacs. Bakit mahal mo pa si Lin Chi Ling kahit sinasaktan ka na nia.” Paulit ulit kong tanong sa sarili ko.

Dumating na rin sa wakas sina ate Roxy, na mukhang alalang alala.

“Anong nangyari kay Jerry?!!!” tanong ng mga girls.

“Na overdose daw sia sa antidepressant!”

“Dahil ba yon kay Lin Chi Ling?” Tanong ni Micah.

“Ayon din ang naiisip kong dahilan, pero akala ko ba matagal na silang wala?”

“Baka nagkabalikan sila tapos, bigla na lang niloko ng babaeng yon si Jerry.” Sabi ni Ate abbie.

Di ko rina alam kung ano ang nangyari between them. Alam kong wala akong karapatang magalit pero di ko mapigilang magalit sa babaeng yon!!

Nagbantay kami sa kanya, nagpapalit palit kami ng schedule sa pagbabantay kay Jerry. Nagka chance akong matignan ng mabuti ang mukha ni Jerry pagsapit ng gabi. Ang tangos talaga ng ilong nia, meron pala siang nunal malapit sa kanan niang mata, ngayon ko lang nalaman yon. Gusto ko na ulit makita ang mga ngiti at ang dimple nia. Akala ko kanina mawawala na ang pinaka mahalagang tao sa buhay ko buti na lang at may awa ang Diyos.

Hinawakan ko ang buhok nia, ang lambot kahit lalaki sia. Mas malambot ang buhok nia kaysa sa buhok ko. Naisip ko na kung ako siguro si Lin Chi Ling, di ko pakakawalan si Jerry ano mang mangyari. Di ko sia pagpapalit sa maliit na mayamang negosyante na yon. It’s her lost, sorry na lang sia nawalan sia ng perpektong lalaki. Makaka hanap si Jerry ng karapat dapat na babae balang araw at magiging masaya habang buhay, kung hindi man ako yon okay lang basta ba aalagaan sia ng mabuti eh. Ang swerte ng mapapangasawa nia.

Naiiyak ako pag naiisip kong kinakasal sia sa isang babaeng Taiwanese.At ako forever alone na. Kinakausap ko nga sia eh kahit di nia ako naririnig.

“Jerry, bakit hindi na lang ako ang mahalin mo? “ mahina kong sinabi baka kasi magising ang mga girls.

Natulog na rin ako na nakatungo sa kama. Napaginipan ko si Jerry at Lin Chi Ling na masaya habang ako nakatali sa isang kadena. Gusto ko sanang habulin sila pero di ako makagalaw.

“Jerry!!! I love you.”

Hindi ako pinapansin ni Jerry na parang hindi ako naririnig. It’s the worst dream ever, wala akong magawa kundi panoorin sila. Hanggang nagising ako, 7:00 na pala. Buti nagising na ako sa nightmare na yon.  Hindi pa rin nagkaka malay si Jerry.

Ginising ko na sina ate Roxy para mag almusal. Kumain kami ng noodles. Mas masarap ang mga noodles sa Taiwan kaysa sa Pinas.

“Kailan kaya magigising si Jerry.” tanong ni Micah.

“Pangalawang araw pa lang naman to eh, baka mamaya o bukas sia magising. Magigising din yan wag kayong mag alala.” Sabi ni ate Abbie.

“Bakit kaya walang dumadalaw kay Jerry?” tanong ni Grace.

Chasing JerryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon